Breastfeeding

mga mii ask ko lang po , yung dami po ba ng gatas ay depende sa size ng boobs ? kunti lang po kasi milk ko , maliit rin po ang boobs ko . nagpapump naman po ako kaso hanggang 1 oz lang nakukuha ko , madami na po yung 2 oz . sobrang nahihirapan na po ako mg pa breastfeed kasi umiiyak si LO , nakukulangan sya sa gatas ko , ang lakas nya dumede . nahihirapan po akong gawin yung UNLILATCH , kasi di nman po nya nilalatch pag walang lumalabas na gatas , iyak lang sya ng iyak naaawa na po ako sa baby ko , feeling ko po naiistress na sya . πŸ˜”

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ebfmommyhere Wala po sa size ng breast ang dami ng milk.. Tandaan ang milk supply ng mommies ay based sa law of supply and demand.. Kung gaano kadami nadedede ni baby o tagal ng latch niya ganon din ang mapoproduce natin milk. Di din natin masasabi na onti ang gatas natin dahil onti lang ang nakukuha sa breastpump.. Iba ang sipsip ni baby sa pumps pwede kasi di mo pala kasize yung pump kaya hindi lumalabas lahat ng milk. Paano mo din ba nasabi onti lang milk mo? Dahil naiyak ang baby mo? Nacheck mo ba kung madami siyang wiwi at nag poop ba siya? Pwede kasi ang pag iyak niya ay dahil sa growth spurt nagclusterfeeding sila pag nasa ganon stage siya talagang madalas yan umiyak gusto nila buhat lang sila o kaya nadede satin unli walang kabusugan.. Kaya mo yan mommy magtiwala ka sa sarili mo kung pakiramdam mo stress ka na mas lalo d ka makakaproduce ng milk. Isipin mo ano dapat mo gawin bukod sa unlilatch Keep yourself hydrated, kumain ka ng maayos may mga sabaw with malunggay, magtake ka ng galactogouges like malunggay cap, m2 malunggay.. Kaya mo yan mi.. Sali ka sa mga breastfeeding groups sa fb

Magbasa pa
Related Articles