Undeveloped embryo
Hello mga mii. Ako po yung nag ask dito kung need ko pa ba magpa second opinion kasi sabi ng unang ob ko walang baby. So nagpa second opinion na nga po ako. Yun nga po meron nakitang yolk sac kaso walang nadevelop na baby. 😭 Familiar po ba kayo sa case ni Alex Gonzaga? Ganun po din po case ng sakin. 😭 Positive ang pt pero hindi nagdedevelop si baby. At sobrang nakakapang lumo po. Iyak po ako ng iyak sa asawa ko kasi sobrang nag expect na kaming meron na since positive na ang pt. 2 years narin kaming nagta try. Dati po akong may pcos at natatakot po ako na baka bumalik na naman at mahirapan na naman kaming makabuo. 💔😭

Same po sa nangyare sakin last year. Blighted ovum po tawag kapag sac lang and walang baby sa loob. Nagpasecond opinion din po ako nun, pero wala talagang laman. Di daw po alam kung anong dahilan ng blighted ovum, basta need din po kayo maraspa. Stay strong po sainyo. Trust in God's perfect time.