Undeveloped embryo

Hello mga mii. Ako po yung nag ask dito kung need ko pa ba magpa second opinion kasi sabi ng unang ob ko walang baby. So nagpa second opinion na nga po ako. Yun nga po meron nakitang yolk sac kaso walang nadevelop na baby. 😭 Familiar po ba kayo sa case ni Alex Gonzaga? Ganun po din po case ng sakin. 😭 Positive ang pt pero hindi nagdedevelop si baby. At sobrang nakakapang lumo po. Iyak po ako ng iyak sa asawa ko kasi sobrang nag expect na kaming meron na since positive na ang pt. 2 years narin kaming nagta try. Dati po akong may pcos at natatakot po ako na baka bumalik na naman at mahirapan na naman kaming makabuo. 💔😭

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako din po naranasan ko din yan yung 3 months preggy na ako tpos Bigla nalang ako nag bleeding nong may 7 2021..Hanggang sa nag pa ultrasound nong may 8 .. yun pala ung baby na sa tummy ko Hindi din nag dedevelop .. ung parang bulok dw . iyak ako Ng iyak nong .. tpos nakunan ako nong may 9 2021 mother's day na Araw at iniwan din ako Ng ka live in ko.. Hanggang sa Ngayon may dumating sa buhay ko na piramdam sakin ung pagmamahal na never ko hiningi at Ngayon 9 weeks na akung buntis..kaya pakatatag ka lang..wag ka lang mawalan Ng pag asa..at ibibigay din yan sa'yo Ng panginoon...

Magbasa pa
3y ago

Thank you mii. Congratulations sa blessing mong natanggap mii. Praying for your healthy pregnancy and successful delivery next year. 💖

Related Articles