Philhealth maternity, pwede reimburse?

Hi mga mi! Ask ko lang, pwede ba reimburse sa Philhealth yung magagastos sa ospital? Ngayon ko lang kasi nalaman na need pala ng claim form sa Philhealth para makuha yung materrnity benefit. Akala ko matik na siya basta dala mo Philhealth sa ospital. Problema ko, due date ko na next week and sabi ng OB ko either CS na ko pag nag continue bumaba tubig ko or induce labor na. Both options next week na kasi 40 weeks na din naman daw ako and ayaw niya umabot ng 42 weeks. Sa Tuesday na yun. Hindi ko ksi alm kung aabot by then kung rerequest ako sa employer ko ng pirma nila. And allowed ba e-signed if ever? Kaya balak ko sana reimburse nalang para di na ko mastress. Nakalagay naman dun sa CF1 form, must be filed within 60 days of discharge kaso di ko alam if applicable yun sa maternity benefits. Baka merong nakakaalam sa inyo mga mamsh. Sayang din kase eh! Thank you.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baka sss maternity benefit mii?? pag philhealth matic na yun ...ung sss maternity benefit namn pwede yun iapply kahit after panganak mo na ...pa help ka po sa hr niyo kasi sila mismo magaapply pag employed kpa

2y ago

Thank you!!!