Sex while 34 weeks pregnant.

Hi mga mi pa vent out lang ng sama ng loob. Lagi po ko kinukulit ng asawa ko makipag contact sa kanya lalo nung mga ilang buwan ko pa lang pero tumigil po kami nung 7 months na tummy ko kasi nag preterm labor po ako kaya pinagbawalan ako ni OB. Then last week po inaaya ako ng hubby ko na mag contact ulit (33 weeks na po ko non) sabi ko sa asawa ko pag nag 34 weeks na lang ako para kahit papano malapit na. Then eto na 34 weeks na po ako kaso bigla naman nagsasasakit puson at balakang ko kaya sabi ko sa kanya na wag muna dahil baka mamaya mapano na naman kami ni baby kung kelan malapit na manganak tapos ayun nagalit si hubby sakin, hindi ako kinausap. Ask ko lang mali po ba yung ginawa ko? Iniisip ko lang naman kapakanan ni baby. Tsaka nung last sex kasi namin nagkanda sakit sakit ako tas naging magastos sa check up at gamot tas nagalit siya non kesyo napaka gastos daw. Kaya hindi na rin muna ko makipag contact mamaya mag tuloy tuloy yung sakit tapos sabihin ang gastos hehe.

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tama lang yan mi lalo alam mong mahihirapan ka at si baby. Mas okay na yung nag iingat ka lalo na para kay baby. Sana naman maintindihan na ng partner mo yan at mas habaan pa ang pasensya sa pag hihintay na makapag ano ulit kayo pag labas ni baby. Yung partner ko sobrang tiis at nag tatanong muna kung pu pwede daw ba kasi natatakot daw sya baka matamaan si baby which is hindi naman 😅 Pero nakakatuwa lang din at nag iisip sya nung ganon. Ni rerespect nya din kung kaya ko ba or hindi. Dapat daw pareho kami at kaya naman nyang mag tiis 😁

Magbasa pa