Sex while 34 weeks pregnant.

Hi mga mi pa vent out lang ng sama ng loob. Lagi po ko kinukulit ng asawa ko makipag contact sa kanya lalo nung mga ilang buwan ko pa lang pero tumigil po kami nung 7 months na tummy ko kasi nag preterm labor po ako kaya pinagbawalan ako ni OB. Then last week po inaaya ako ng hubby ko na mag contact ulit (33 weeks na po ko non) sabi ko sa asawa ko pag nag 34 weeks na lang ako para kahit papano malapit na. Then eto na 34 weeks na po ako kaso bigla naman nagsasasakit puson at balakang ko kaya sabi ko sa kanya na wag muna dahil baka mamaya mapano na naman kami ni baby kung kelan malapit na manganak tapos ayun nagalit si hubby sakin, hindi ako kinausap. Ask ko lang mali po ba yung ginawa ko? Iniisip ko lang naman kapakanan ni baby. Tsaka nung last sex kasi namin nagkanda sakit sakit ako tas naging magastos sa check up at gamot tas nagalit siya non kesyo napaka gastos daw. Kaya hindi na rin muna ko makipag contact mamaya mag tuloy tuloy yung sakit tapos sabihin ang gastos hehe.

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nako mi OB mo po dapat magsabi nyan sa hubby mo na maselan ka mag buntis baka sakaling makinig siya sa OB mo na di ka muna dapat galawin. tapos magrreklamo sa gastos pag nagkanda sakit sakitπŸ˜… tama yan ginawa mo mi kase if ganyan nararamdaman mo while nagdo kayo di talaga maganda yun baka malagay pa kayo ni baby at risk. partner ko wala namang pag aya lalo na sinabihan siya ng OB ko na maselan ako magbuntis, pag malapit nalang daw ako manganak para di daw ako mahirapan ilabas si baby namin 😁

Magbasa pa