Sex while 34 weeks pregnant.

Hi mga mi pa vent out lang ng sama ng loob. Lagi po ko kinukulit ng asawa ko makipag contact sa kanya lalo nung mga ilang buwan ko pa lang pero tumigil po kami nung 7 months na tummy ko kasi nag preterm labor po ako kaya pinagbawalan ako ni OB. Then last week po inaaya ako ng hubby ko na mag contact ulit (33 weeks na po ko non) sabi ko sa asawa ko pag nag 34 weeks na lang ako para kahit papano malapit na. Then eto na 34 weeks na po ako kaso bigla naman nagsasasakit puson at balakang ko kaya sabi ko sa kanya na wag muna dahil baka mamaya mapano na naman kami ni baby kung kelan malapit na manganak tapos ayun nagalit si hubby sakin, hindi ako kinausap. Ask ko lang mali po ba yung ginawa ko? Iniisip ko lang naman kapakanan ni baby. Tsaka nung last sex kasi namin nagkanda sakit sakit ako tas naging magastos sa check up at gamot tas nagalit siya non kesyo napaka gastos daw. Kaya hindi na rin muna ko makipag contact mamaya mag tuloy tuloy yung sakit tapos sabihin ang gastos hehe.

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yong asawa ko naman mga mi masyado syang maingat, di naman maselan ang pagbubuntis ko pero ingat na ingat sya inisip nya ang baby namin kaysa pansarili nyang kaligayahan, minsan nga naawa ako sa kanya😊, minsan din ako mag aya sa kanya para bj sya pero sabi lang nya bawi nalang sya pag panganak ko😅😊, plano din kasi nmin pag 8 to 9 months na si baby namin sundan agad namin❤️, 33weeks na akong buntis now...

Magbasa pa