Kumpara dito, kumpara don

Hi mga mi, okey lang poba ung payat ng baby ko for 14months old? Bfeed naman sya saken pero di tlaga sya nataba☹️ sguro dahil di tlaga siya tabain. Marunong na sya maghakbang at gabay gabay sa lakad pero ung sya mag isa hindi pa, sinasanay pa lang nya sarili nyang tumayo. Ang hirap lang minsan na kinukumpara ung anak mo sa ibang bata😭 kesyo si ganto marunong na maglakad ilang months pa lang, kesyo si ganto mataba. Nakakainis ung mga ganong tao!😏

Kumpara dito, kumpara don
62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I feel you momshie. 13 months old na rin si baby pero hindi pa gaano nakakalakad na sya lang mag isa. Pero kahit papano nakakatayo na sya ng sya lng at nglalakad bastat may nahahawakan o nasasandalan. Hindi din sya tabain eversince. Tumatangkad lang pero never tumaba. Kumpleto sa vitamins na reseta ng pedia at breastfed since birth din. Gayunpaman, never naman sya nagkasakit ng bongga. Iba2x talaga ang development ng bawat bata. Pwede rin naman na nasa genes nyo na mag asawa ang pagkahindi tabain.. Kaya hindi dapat sila icompare. Wag na lang natin imind yung mga tao na hilig magkomento ng hindi maganda sa mga anak natin sis. Ang importante healthy mga babies natin. 🤗❤️

Magbasa pa
Post reply image