Kumpara dito, kumpara don
Hi mga mi, okey lang poba ung payat ng baby ko for 14months old? Bfeed naman sya saken pero di tlaga sya nataba☹️ sguro dahil di tlaga siya tabain. Marunong na sya maghakbang at gabay gabay sa lakad pero ung sya mag isa hindi pa, sinasanay pa lang nya sarili nyang tumayo. Ang hirap lang minsan na kinukumpara ung anak mo sa ibang bata😭 kesyo si ganto marunong na maglakad ilang months pa lang, kesyo si ganto mataba. Nakakainis ung mga ganong tao!😏
Nakakastress talaga pag may nasasabi ang iba na negative sa little one natin at sa pagiging nanay natin. Di po yan mawawala kaya wag mo na lang po pansinin. If may doubt ka po sa timbang ni baby, kapag time ng vaccine nya pacheck up nyo na din sa center. Sa milestone naman ni baby like paglalakad, every child is special. Iba iba sila. Hindi natin madidiktahan ang baby natin na maglakad na sila o magsalita na sila pero may mga pwede tayong gawin para mastimulate yung skills na yun ni baby like imassage ang legs at wag sila lagi buhatin para tumibay ang tuhod, iencourage din na tumayo at magplaytime mga ganun no pressure, gawing enjoyable para happy lang kayo ni baby. No to bad vibes
Magbasa paI feel you momshie. 13 months old na rin si baby pero hindi pa gaano nakakalakad na sya lang mag isa. Pero kahit papano nakakatayo na sya ng sya lng at nglalakad bastat may nahahawakan o nasasandalan. Hindi din sya tabain eversince. Tumatangkad lang pero never tumaba. Kumpleto sa vitamins na reseta ng pedia at breastfed since birth din. Gayunpaman, never naman sya nagkasakit ng bongga. Iba2x talaga ang development ng bawat bata. Pwede rin naman na nasa genes nyo na mag asawa ang pagkahindi tabain.. Kaya hindi dapat sila icompare. Wag na lang natin imind yung mga tao na hilig magkomento ng hindi maganda sa mga anak natin sis. Ang importante healthy mga babies natin. 🤗❤️
Magbasa patrue! naiinis din AKO minsan Yun baby ko ok Naman sya parang medyo advance nga sya eh Kaya kinocompare sya SA mga pinsan nya mas nauuna pa daw sya lumaki mas Bibo Hindi ko alam dapat matuwa AKO pero naiinis AKO kahit anak ko or anak Ng ibang Tao naiinis talaga Ako SA kumpara kumpara na Yan ke pabor SA anak ko or Hindi kase pag nakalakihan Nila Yun palaging kinukumpara nakakawala Ng self confidence Yun honestly
Magbasa pamomsh wag mo nlng po cgurong patulan.. ang importante binibigay mo ung best mo para sa baby mo.. di nman lahat ng mataba ay healthy at di naman lahat ng payat ay di healthy.. wag mo nlang pansinin ung mga taong mapang judge.. God knows how you really love and giving care of your little one.. kaya deadmahin mo sila momsh.. focus lang kay baby at sa family... 😍😍 spread love.. god bless you
Magbasa patuloy nyo lang po breastfeeding nya. sabi ng pedia ko, yun daw ang pinaka the best na vitamins ng mga babies. Wag na i-mixfeed ng formula, nakakataba talaga yun kasi mataas sugar content. Hindi naman basehan ang pagiging “mataba” sa pagiging “malusog” ni baby. Pero syempre dapat may consultation pa din kayo sa pedia just to make sure na healthy si baby. God bless mommy&baby! 💕
Magbasa panasa pag mamanahan po yan mommy kahit breastfeed ka pa. yung baby ko breastfeed din since birth til 4months. and until mag formula kami ngayon 5 months na sya hindi pa rin naman bonggang taba yung baby ko. kasi parehas kami ng tatay nya na payat. ang namana nya is yung tangkad ng tatay nya. wag po madepress mommy. basta hindi nagkakasakit si baby dapat ipagpasalamat na natin yun.
Magbasa pamommy. iba iba ang development skills ng baby. kapg may narinig ka sa iba na kinukumpara anak mo. ang isagot mo iba iba ang developement ng baby, may nagagawa anak mo na hindi kayang gawin ng iba. or pwede delay si anak mo pero does not mean na di nya magagawa.. may vitamins po ba si baby mo? dipende rin po kasi sa body build ng both side ng family nyu po yan
Magbasa panakoooo wag kayo pakampante dahil anak ko 1yr na diparen nagoal ung weight nya which is wrong. hindi naman masama mag pa check up kahit sa center e, sila nag suffer pag lumaki na pag di nyo agad na aksyonan tyaka hindi totoo na iba iba ang development. dapat as a mom alam naten ano ang nkakabuti sa mali. wag na tayo dito magtanong dapata rekta pacheck up na.
Magbasa pai agree with them momsh saying na iba iba ang development ng bata, kapag kinukumpara si baby sa ibang bata, palipasin mo lang, labas lang sa kabilang tenga.. as long as healthy si baby at hindi nagkakasakit, pumanatag ka momsh. Pwede rin humingi ng opinion sa pedia or health center if ever mabigyan ng supplements si lo. Take care momsh!
Magbasa pamumshie wag ka mag alla,iba iba kz anga paglaki ng mga bata,may tabain,may mga di tumataba tlga.. tapos may mga nauunang naglalakad,may mga nahhuli dn,kahit sa pagtubo ng ngipin,may mga nahhuli,may mga nauuna.. kya wag mo silang pansinin, as long as healthy nman ang baby mo at di nagkkasakit mumshie ok lang yan! Godbless your family..
Magbasa pa