Paano sasabihin?

hi mga mi, magandang umaga po 😁 meron ba dito same case saken? Naka bukod kame ni husband ng house both fully vaccinated kame. 15 minutes away lang ang family ko, walang vaccinated sa kanila, the reason is "wfh naman daw sila, di daw masyado nalabas ng bahay, takot sa side effects". Nagka co vid ang buong family ko way back 2020 pati husband ko kse don kame nakatira pa. Kaya din kame umalis dahil nagkaron na nga kame ng pagtatalo regarding sa case. Husband ko pa ang sinisisi na nagdala e hindi nga kame nalabas non. Brother ko ang nagdala dahil makulit sya ,lumuluwas pa sya thru bus kahit alam nya na sobrang dameng active case non. Concern ko lang, paano ko sasabihin sa family ko na baka naman pwede na sila magpa bakuna for the sake of their " first pamangkin at first apo" Buwan buwan ko na sila non sinsabihan na magpabakuna kse namamalengke pa din naman at nalabas pa din naman sila di pa ako preggy non. Ngayong preggy ako natatakot ako, paano ko na naman sila iaapproach regarding bakuna kung noon nagagalit na sila saken what more kung ulitin ko ulit? Mahina pa naman ang resistensya ng baby 😔 #1stimemom #advicepls

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di mo sila pwede pilitin na magpabakuna kase di naman mandatory. Bakunado o hindi pwede ka pa rin mahawaan at makahawa. Lalo nat sinabi ng DOH na after 6 months nawawala ang bisa ng bakuna. Personal decision ang pagpapabakuna. Di naman ikaw ang mananagot kung sakaling magkaroon sila ng adverse effects sa bakuna. Respect their decision. Di pa rin kami bakunado ng pamilya ko. 7 months na si baby. Nanganak ako kasagsagan ng omicron. Mga nagpositive mga kalapit namin sa ward. Naexpose na agad si baby sa virus. Pilitin mong magpa breastfeed. Ang gatas mo ang mabisang panlaban ni baby sa mga sakit. Di mo talaga maiwasan na yayakapin at hahalikan yan ng family mo lalo na natutuwa sila sa apo nila. Kung tutuusin ang mga di bakunado ang nasa risk kase unprotected pa sila. Sabihan mo lang na mag sanitize before humawak kay baby.

Magbasa pa