Paano sasabihin?

hi mga mi, magandang umaga po 😁 meron ba dito same case saken? Naka bukod kame ni husband ng house both fully vaccinated kame. 15 minutes away lang ang family ko, walang vaccinated sa kanila, the reason is "wfh naman daw sila, di daw masyado nalabas ng bahay, takot sa side effects". Nagka co vid ang buong family ko way back 2020 pati husband ko kse don kame nakatira pa. Kaya din kame umalis dahil nagkaron na nga kame ng pagtatalo regarding sa case. Husband ko pa ang sinisisi na nagdala e hindi nga kame nalabas non. Brother ko ang nagdala dahil makulit sya ,lumuluwas pa sya thru bus kahit alam nya na sobrang dameng active case non. Concern ko lang, paano ko sasabihin sa family ko na baka naman pwede na sila magpa bakuna for the sake of their " first pamangkin at first apo" Buwan buwan ko na sila non sinsabihan na magpabakuna kse namamalengke pa din naman at nalabas pa din naman sila di pa ako preggy non. Ngayong preggy ako natatakot ako, paano ko na naman sila iaapproach regarding bakuna kung noon nagagalit na sila saken what more kung ulitin ko ulit? Mahina pa naman ang resistensya ng baby 😔 #1stimemom #advicepls

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

HELLO MGA MI 😁 SALAMAT PO SA SAGOT NYO SA TANONG KO ♥️ LAST WEEK NGKARON PO ULIT KME NG PAGTATALO KASE AYUN NA NAMAN SI COVID UMATAKE NA NAMAN SA FAMILY AND WORST NAHAWA PO AKO. NAPAKAHIRAP HINDI AKO MAKAHINGA, UMIIYAK AKO KASE HIRAP NA HIRAP AKO IN THE END AKO PA DIN ANG SINISI NA NAGDALA KAHIT AKO NA NGA LANG MISMO ANG NAHAWA 💔 SABE SA AKIN " WAG KA NA PUMUNTA DITO HANGGANG MAKAPANGANAK KA, WALA PA AKONG SAKIT NUNG DUMATING KA" PERO ANG TOTOO MAY SIPON/UBO NA SILA DI NILA AKO SINABIHAN BAGO AKO PUMUNTA DON. NASAKIN NA NAMAN ANG SISI 💔 NATAKOT AKO PARA KAY BABY BUTI MAAGAP ANG DOCTOR KO. OKAY NA AKO NGAYON. SANA LANG NAISIP NILA NA BUNTIS AKO, HINDI YUNG AKO PA YUNH SINISI NA NAGDALA NG SAKIT.

Magbasa pa
3y ago

oo nga po mi, until now iba ung trauma na dala saken nung hirap sa pag hinga at ung msasakit na salita na nanggaling sa kanila. Ang sabe ko sa husband ko since plan na naman lumipat ulit sa mas malaking house next year para kay baby better ung mas malayo na sana sa amin. Accessible kse kame dito dahil 15 minutes away lang kame e..noon gusto ni husband malapit sa amin pero ngayon decided na sya na lumayo na. Ang hirap kapag baby ang may sakit ,iiyak lang un sila e di nila maexplain ang masakit sa kanila. Ako nga na matanda na halos wala din magawa si husband sa reklamo ko na hindi makahinga e. 😔 Hindi ko lang po talaga naisip na pagsasalitaan ako ng ganon parang ako pa yung may kasalanan pero sa totoo lang ako lang naman yung concern 😔