Hi mga mi.. currently 35 weeks na ako.. nagsisimula na ako mag ayos at mag ipon ng mga gamit ni baby.. sobrang hirap mag hanap ng mga gamit ni baby lalo nat di naman kami mapera ni hubby.. mabuti nalang ay katulong namin ang mga parents namin ni hubby sa pag iipon ng gamit ni baby.. kaso may isa akong kakilala na nakaabang agad sa mga gamit ni baby ko dahil buntis din sya.. tutal naman daw ay malaki na yung baby ko kapag nanganak sya ay ibigay or ipahiram ko nalang daw sa kanya yung damit ng baby ko.. di ko sure kung ipapahiram ko dahil di ko sure kung maibabalik pa at pwede ko pa magamit yun sa next baby ko.. tsaka may sentimental value samin yun dahil damit yung ng first baby namin.. ang hirap mag ipon ng gamit ng baby tapos sya aasa lang sya sa iba.. sana wala mangbash sakin dito.. di ko lang kase masabi sa kanya tong nararamdaman ko.
Callie