.

hi momshies!! maglalabas lang ako ng kalungkutan dito haha :( nalulungkot ako next week manganganak na ko pero hanggang ngayon hindi padin kumpleto gamit ni baby kahit yung essentials lang. yung bf ko sobrang busy po sa pagccomputer everytime na sinasabi ko na mamili kami ng gamit palaging "oo" sagot nya pero maya maya magcocomputer sya tapos makakalimutan na yung mamimili kami ng gamit ni baby. di ko rin naman po sya makausap pag nagccomputer sya dahil pag mama nya nga po kumakausap sa kanya habang naglalaro sya eh galit na galit po agad sya and madalas nagmumura pa sya dahil sa inis ayoko din naman po mangulit baka sabihin nya masyado ko sya kinukulit sa pagpapabili ng gamit ng anak namin. sya lang naman po kasi may kaya sumuporta sa needs namin ni baby dahil may pera sya and sinabi nya naman po na ibibigay nya needs ni baby, di ako makapagsabi sa parents ko kasi po enough na yung sweldo ng papa ko sa pagaaral ng kapatid ko and sa pagbabayad ng mga bills, utang. nagkukulang pa nga yun dahil sa mahal ng bilihin ngayon.. madalas winiwish ko nalang na sana mayaman ako para mabigay ko lahat ng pangangailangan ng baby ko lalo na next week lalabas na sya. sobrang gusto ko mamili ng gamit kaso wala akong pera pangbili. naawa lang ako sobra sa anak ko gusto ko magkaron sya ng magandang buhay pero ewan ko ang hirap.. ang hirap maging mahirap sa panahon ngayon.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mas maigi kung kausapin mo siya ng masinsinan. And if ever na di ka niya masamahan or unahin parin niya yung paglalaro niya, pwede ka naman siguro lumabas para mamili hingi ka nalang sakanya ng pambili or kung ayaw di ka rin naman makakalabas. Maraming pwede orderan online. Di mo siya kaylangan antayin palagi kaso alam mo naman na walang nangyayare. Even SM dept store nagdedeliver na sila ngayong ECQ. Maraming ways, di ka pwedeng magantay lang sa bf mo kung kelan.

Magbasa pa

Mamsh.. e2 maaadvise ko sayo.. 😈 ayaw kamo lumabas ng hubby mo at bz sa pag ccomputer.. no problem! Gawin mo buksan mo lang ang lazada or shoppee app mo.. tas bilhin mo kung anu gs2 mo.. tapos ipangalan mo sa asawa mo yung shipping! Magugulat na lang cya at madaming delivery ang ddating sa kanya.. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa

Meron po number mga sm pwde ka tumawag sakanila at umorder ng gamit ni baby sila nadin mag dedeliver sayo. If walang pera kahit yung mga kelangang kelangan lang muna bilihin mo if wala talaga baka meron kang relatives or friend na pwede mahingian ng mga gamit pang baby. 😊 God bless you po. Praying for your safety.

Magbasa pa
5y ago

Tatawag pa sa sm para bumili gamit ng baby?? May shoppee at lazada ah. Ang mahal mahal pa sa sm

Hingiin mo nlnv ung pera sis sabihin mo para di na din sya maistorbo sa pag computer nya. Pakita mo nlng resibo ng mga nagastos mo. Or sa shopee tas sya pag pagbayarin mo pag dating

VIP Member

Kung may pera ka mamili kna wag ka umasa sa iba para makita nila qmikilos ka din ..wag pa stress dpat enjoy mo na yan kc malapit na lumabas c baby pray lang dinπŸ™πŸ»

VIP Member

Mommy talk to him pag nakahiga na kayo sa gabi para alam nya concerns mo, daanin mo sa lambing. Or pwede din hingi ka pera ikaw na mamili pasama ka sa bestfriend mo

Kausapin mo siya maayos. Or mag open ka sa parents niya kasi hindi naman pwedeng ikaw ang mamili dahil malapit ka na manganak. Lahat nadadaan sa magandang usapan.

Wag mo na sya antayin mommy, sasakit lang ulo mo. Hingin mo nalang sakanya pambili tapos pasama ka nalang sa kapatid mo or kahit kanino bumili ng gamit.

Hingi ka nlang pera ikaw nlang bumili or Mil mo. Ganyan kse mga lalake eh msyado busy sa life mga buset lang.. 🀣

Bli ka sa shopee sya pagbayarin mo jan pag dumating na un gamit