Post Partum Depression

Hello mga mash. First time mom here. Sino naka experience ng Post Partum Depression? Ano po nararamdaman o naiisip niyo? Ako kasi may times na umiiyak ako sa madaling araw habang hinehele ko si baby ng mag apat na oras na. Dahil siguro sa sobrang antok at Pagod na tapos dpa mapatulog si baby. Sumasabay pa na tumutulo na breastmilk ko basang basa na damit ko. Nakaka stress. 😒 Madalas ko rin maisip na hindi pa pala ako ready magka baby, iniimagine ko yung mga ginagawa ko sana kung wala pa akong baby, iniisip ko ung mga hindi ko na magagawa since may baby na... Iniisip ko kung sign na ba ng depression yung ganito. πŸ˜• 3 weeks palang si baby ko pero parang sobrang stressed na ako. 😞 Ganito rin ba kau nung una or post Partum Depression na po itong nararamdaman ko?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

base sa nababasa ko momsh yes po PPD na po yan, pray ka po, kaya mo yan kasi love mo si lo. sending lots of hugs πŸ€—πŸ€—πŸ€— tips lng momsh if d mo pa po natatry, tumutulo ang Bmilk mo momsh khit siguro higa ka na medyo mataas ang likod at ulo padedein mo si LO, sakin kc dahil nga sa puyat pinapatulog ko si LO sa chest ko na medyo high ang likod para pareho kami tulog. nung mga una po kasing weeks naiyak na din ako feeling ko sobra na lahat ng nraramdaman kong hirap, from pregnancy, early labor kasi premature si baby need pa bedrest, panganganak, healing ng wounds & body then dagdagan pa ng sakit ng breast kaka BF & puyat. nakaka depress po. pero pray & pray lng po.

Magbasa pa

na try ko na din po yan. mahirap po talaga pag mga 1mo pa lang si lo. pero umiiba po ugali nila. si lo ko po nong di pa ng 1mo pag umiiyak yan, umiiyak din ako. pero nong nag 2mos na po sya nagulat na lang kami natutulog nalang po sya mag isa, di na need ehele. nong nag 3mos na sya umiba na naman ugali nya. at ngayon 4mos na sya. nag wawild na din lalo na naiinitan 😊 kaya nyo po yan my. patulong ka lang po. ok lang naman mgpahinga if pagod 😊😊

Magbasa pa
VIP Member

Yes mommy dumadating yung time na ganyan lalo na pag nag go-growth spurt na si baby nakakawala talaga ng pasensya kaya need mo ng katulong sa pag karga kay baby. Ganyan din ako nung mga 2-3weeks si lo hindi naman ako makaiyak kase kasama ko mother ko sa house nahihiya ako pero iiyak mo lang mommy and patulong ka sa mga kasama mo sa house kase need talaga ng sleep pag bf and yun nga habaan ang pasensya. Kaya mo yan mommy! Virtual hug! 😊

Magbasa pa

Yes! ganyan din ako noon. I think dahil nasa transition period tayo momsh. Makakalagpas ka rin kasi eventually masasanay ka rin at mas magkakaron ka ng deeper understanding sa motherhood. Basta let it out with your husband/close family/friend para may support system. Wag kimkimin ang sama ng loob and always ask for help pagdating sa pag-aalaga kay baby. Kaya mo yan!

Magbasa pa

mamsh,tatagan mo loob mo. strong tayong mga mommies. kaya mo yan. hingi ka ng tulong sa pagaalaga minsan sa partner mo o kasama mo sa bahay para makapagpahinga ka at di maoverwhelmed. tandaan mo palagi,na hindi ka nagiisa. maraming mga mommies din ang nakakaranas ng ganyan. pakatatag ka. kaya mo yan. walang hindi natin magagawa at makakaya para sa mga anak natin.

Magbasa pa
VIP Member

mahirap po talaga yung first month kasi tulog manok c baby tiis2x lng po muna pag ka next month mababago yung sleeping time ni baby take ka po nang vitamin D and iron, ganon din ako before di ko ma feel connection namin ni baby dag2x pa yung meron akong tahi kasi CS ako at wla din hubby ko, mama ko lng kasama ko labanan mo sis para sa baby mo.

Magbasa pa
VIP Member

Naexprience ko din yan. πŸ˜” Lague ko inaaway mister ko , lague ko hinhmon ng hiwalayn mbti nlng mhaba psensya, tapos pg umiiyak c bby ayaw ko sya kargahin. Tapos iyak ako ng iyak n parang ngsisisi kng bkt ngbuntis ulit ako khit gustung gustu ko tlga dati p msundan panganay ko.. grabe hirap pero mlalagpasan dn ntin to

Magbasa pa

Yes mom.. 2months ngaun c baby ko nkranas ako PPD, iyak ako ng iyak magdamag ask ni hubby bakit, dko kako alam basta alam ko kako pagod na pagod na ko.. C baby ko ngaun ayaw mtulog mghapon gusto lng karga, karga na iiyak p plus ngkakabag pa.. kya feeling ko im not a good mom kc bkit d maalis kabag nya.. itried everything nmn

Magbasa pa
4y ago

hi momsh! ask for help po sa kasama sa bahay or sa trusted family/friend if di mo na alam gagawin kay baby lalo kapag may kabag. Kasi the more na niistress tayo the more na wala tayo nagagawang tama or maganda. I learned it the hard way.

same haha. tapos mag isa lang ako. isip ko, it will get better and it does pero nakakapagod pa din. parang katawan ko nalang nag adjust kay baby.

same here po...ganyan rin ako dati..peru ma oovercome mo din yan mamsh... stay positive lang always.