Post Partum Depression

Hello mga mash. First time mom here. Sino naka experience ng Post Partum Depression? Ano po nararamdaman o naiisip niyo? Ako kasi may times na umiiyak ako sa madaling araw habang hinehele ko si baby ng mag apat na oras na. Dahil siguro sa sobrang antok at Pagod na tapos dpa mapatulog si baby. Sumasabay pa na tumutulo na breastmilk ko basang basa na damit ko. Nakaka stress. ? Madalas ko rin maisip na hindi pa pala ako ready magka baby, iniimagine ko yung mga ginagawa ko sana kung wala pa akong baby, iniisip ko ung mga hindi ko na magagawa since may baby na... Iniisip ko kung sign na ba ng depression yung ganito. ? 3 weeks palang si baby ko pero parang sobrang stressed na ako. ? Ganito rin ba kau nung una or post Partum Depression na po itong nararamdaman ko?

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes! ganyan din ako noon. I think dahil nasa transition period tayo momsh. Makakalagpas ka rin kasi eventually masasanay ka rin at mas magkakaron ka ng deeper understanding sa motherhood. Basta let it out with your husband/close family/friend para may support system. Wag kimkimin ang sama ng loob and always ask for help pagdating sa pag-aalaga kay baby. Kaya mo yan!

Magbasa pa