Post Partum Depression

Hello mga mash. First time mom here. Sino naka experience ng Post Partum Depression? Ano po nararamdaman o naiisip niyo? Ako kasi may times na umiiyak ako sa madaling araw habang hinehele ko si baby ng mag apat na oras na. Dahil siguro sa sobrang antok at Pagod na tapos dpa mapatulog si baby. Sumasabay pa na tumutulo na breastmilk ko basang basa na damit ko. Nakaka stress. ๐Ÿ˜ข Madalas ko rin maisip na hindi pa pala ako ready magka baby, iniimagine ko yung mga ginagawa ko sana kung wala pa akong baby, iniisip ko ung mga hindi ko na magagawa since may baby na... Iniisip ko kung sign na ba ng depression yung ganito. ๐Ÿ˜• 3 weeks palang si baby ko pero parang sobrang stressed na ako. ๐Ÿ˜ž Ganito rin ba kau nung una or post Partum Depression na po itong nararamdaman ko?

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes mom.. 2months ngaun c baby ko nkranas ako PPD, iyak ako ng iyak magdamag ask ni hubby bakit, dko kako alam basta alam ko kako pagod na pagod na ko.. C baby ko ngaun ayaw mtulog mghapon gusto lng karga, karga na iiyak p plus ngkakabag pa.. kya feeling ko im not a good mom kc bkit d maalis kabag nya.. itried everything nmn

Magbasa pa
4y ago

hi momsh! ask for help po sa kasama sa bahay or sa trusted family/friend if di mo na alam gagawin kay baby lalo kapag may kabag. Kasi the more na niistress tayo the more na wala tayo nagagawang tama or maganda. I learned it the hard way.