Post Partum Depression

Hello mga mash. First time mom here. Sino naka experience ng Post Partum Depression? Ano po nararamdaman o naiisip niyo? Ako kasi may times na umiiyak ako sa madaling araw habang hinehele ko si baby ng mag apat na oras na. Dahil siguro sa sobrang antok at Pagod na tapos dpa mapatulog si baby. Sumasabay pa na tumutulo na breastmilk ko basang basa na damit ko. Nakaka stress. ? Madalas ko rin maisip na hindi pa pala ako ready magka baby, iniimagine ko yung mga ginagawa ko sana kung wala pa akong baby, iniisip ko ung mga hindi ko na magagawa since may baby na... Iniisip ko kung sign na ba ng depression yung ganito. ? 3 weeks palang si baby ko pero parang sobrang stressed na ako. ? Ganito rin ba kau nung una or post Partum Depression na po itong nararamdaman ko?

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes mommy dumadating yung time na ganyan lalo na pag nag go-growth spurt na si baby nakakawala talaga ng pasensya kaya need mo ng katulong sa pag karga kay baby. Ganyan din ako nung mga 2-3weeks si lo hindi naman ako makaiyak kase kasama ko mother ko sa house nahihiya ako pero iiyak mo lang mommy and patulong ka sa mga kasama mo sa house kase need talaga ng sleep pag bf and yun nga habaan ang pasensya. Kaya mo yan mommy! Virtual hug! ?

Magbasa pa