Nag Ngingipin Na Si Baby

Mga mash ask lang? ilang buwan baby nyo bago sya tinubuan ng ngipin?? Si baby kasi 4mos&1week plang sya pero parang tinutubuan na sya ng ngipin kasi madalas sya maglaway at nangangagat na sya, bukod dun mahilig syang manggigigil, pinanggigigilan nya dede ko, kamay nya, kamay ng papa nya lahat ng mahawakan nya isusubo nya at panggigigilan nya. May titter naman sya kaso pagnahuhulog at nabibitawan nya naiinis na sya hanggang sa umiyak na at magwala. Sa ngayon 4 times na din sya nag pupu tubig pa man din,?natatakot akong dalhin sa clinic lalo na sa panahon ngayon dami nagkalat na sakit esp. Virus(NCOV) ano po kaya dapat gawin kay baby? Natatakot din ako na kong ano ano ipahid sa gums nya kasi wala pa syang 6mos.yun kasi sabi sabi dito sakin. Please help po?thanks in advance po.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung iba po momshie pinapakain ng malalamig si baby para mabawasan pananakit ng gums nya... Try nyo pong gawing ice popsicle yung milk mo... para safe po ipahid sa gum nya... pero a week po siguro mawawala na rin po pananakit ng gums nila. Swerte ko lang po di nag ganyan baby ko... nung time lang na bandang bagang na lumalabas nilagnat sya at ayaw kumain...

Magbasa pa
5y ago

Buti pa baby mo sis.. Thankyou po😊

VIP Member

Wow ang aga po nya mag ngipin.. baby ko momsh 8 months na waley parin po :)

5y ago

Tama yan Momsh. Wag po mag self medicate lalo kay baby. Kung may center po malapit sainyo dun nyo na po muna pa check para iwas sa byahe at tao .