Stress sa family
Mga mamsh,nasstress ako sa family ko talaga minsan. Parang feeling ko ATM/banko ang tingin nila sa husband ko. 2wks ago,bago bumalik parents ko sa bahay namin na nirerent sa Laguna,nagbigay si mister ng cash,groceries at bukod don,nakaipon din sila kahit papano kasi binigyan sila ng negosyo na ako pa mismo nagmamarket online. So today nagmessage si husband sa father ko,asking him what they need na groceries sa bahay para makapamili kami for them and madala ng father ko pauwi (hahatid kasi ni papa yung kotse ko from casa). Biglang nagchat mama ko. Sabi nya,sabihin ko daw sa husband ko cash ang kelangan nila for bills,not grocery. Of course I won’t do it. Naiinis lang ako na lagi na lang ganon kapag gusto silang bigyan ng husband ko ng groceries or gamit. Tatlo kaming magkakapatid pero nasa akin lahat ng burden. Nung single pa ako at nagwowork,ako nagsusupport sa buong family since parehong may mga dinadamdam ang parents ko (health related). Kaya imbes na kumuha ako ng yaya,si mama na lang nagbantay sa panganay ko na anak ko sa pagkadalaga. Those times,nagrerange sa 40-50k ang support ko sa kanila pero wala silang naipon kahit magkano. Puro utang pa. Nung nakilala ko husband ko,inako ng husband ko pag susupport kasi nga naman,andun anak ko. Ayaw din naman nila ibigay. Unti unti,binawasan ko padala para kako matutong magbanat uli ng buto since mga bata pa naman and skilled pareho ang parents ko. Instead,puro reklamo lang narinig ko. Minsan pati 2 kong kapatid,sakin din nakadepende. May pamilya na rin ang ate ko at may work naman. Yung bunso namin single at may work din pero laging kulang ang income. Sinabihan na sya ng husband ko before na tutulungang mag work sa Korea pero di nya inayos kelangan nya. Ngayong pandemic pare pareho silang walang kita. Anyway,these days sobrang naiistress ako sa kanila dahil sa style nila. Minsan gusto ko ng putilin communication sa kanila kaso syempre ako pa din yung lalabas na masama in the end. Okay lang naman sakin na bigyan sila pero yung magdedemand pa sila,ako nahihiya sa asawa ko. Alam naman nilang wala akong trabaho at asawa ko lang nagpoprovide🤦🏼♀️🤦🏼♀️ Kakainis lang.