Hindi sanay sa tao
Hi mga mamshies, question lang po. Context: Yung daughter ko po just turned 2 years old. Madalas andito lang sya sa bahay with his dad, while ako naman po working in the office and nakakauwi around 5:30pm. Okay naman yung development niy, she can speak sentences na (although syempre hindi pa perfect), but she talks, and answers us (usually) pag tinatanong. She plays. Pero pag lumalabas kami, then kinakausap sya ng ibang tao, di sya madalas sumasagot. I have to repeat the question pa pra lang sumagot sya, then pag sumagot sya napakahina din ng boses. Normal po ba to? Then lately sobrang lakas sya magtatantrums, especially when I am around. As in di namin sya mapigil sa pag iyak lalo pag inaantok. Kahit ibigay na lahat ng gusto niya iyak malala padin. Everyday na to for a week na din siguro. Normal pa po ba? Hoping to receive answers po salamat!