paramdam

hi mga mamshie share ko lang sa inyo ung tatay kase ng anak ko nung nalaman niya nuon na buntis ako okay naman kame tas nung nga ilang araw bigla siyang nag bago sabihan ba naman ako na ipaDNA daw ung bata syempre na offend ako bakit kailangan ipaDNA si baby e siya lang naman ang naka galaw saken grabe sakit nung naramdaman ko nunh sinabi ko sa mommy at daddy ko na buntis ako at nalaman niya ung sinabi saken na Ipa DNA ung bata nagalit sila dun sa naka buntis saken kaya pinahiwalay na ko ng daddy ko dun sa tatay ng anak ko . tas kung anu ano pa nakakarating saken na salita galing sa nanay nung lalaki na pokpok daw ako malandi daw ako . tas kung kanikanino daw ako umaangkas na motor ng lalaki at pulis e kilala naman un ng anak niya at lahat un kaibigan ko nung college . grabe sakit ng mga pinagsasabi saken nung nanay ng lalaki tas mga ilang buwan malaman ko may gf daw ung tatay ng anak ko 3yrs na daw sila di ko alam ung feeling na naramdaman ko parang gumuho yung mundo ko tas kung anu ano pinag sasabi saken ung gf daw ng tatay ng anak ko . di ko naman sasagutin ung tatay ng anak ko kung alam kong may gf siya . to make the story short inalis ko ung contac ko sa tatay ng anak ko .tas nung nanganak na ko tska sila nag paramdam saken pati ung tatay ng anak ko kesyo kamuka daw niya anak daw niya yun bakit ko daw pinag kakaila e nung buntis nga ako ni kaplastikan na pag dalaw di nila nagawa saken . nababadtrip lang ako kase ginagawa nila akong mukang pera babayaran daw lahat ng nagastos ko sa anak ko para lang makita nila apo nila mga pisti sila . pero desidido na ko na kaya kong palakihin anak ko kahit wala siyang tatay .

68 Replies

Hmm. For me, ipakita mo pa rin sa kanila pero wag na wag mo tatanggapin ang kahit ano na galing sa kanila. Kapag nakipagkita kayo ng anak mo, kailangan kasama parents mo. Isettle nyo na dapat nyong isettle habang maaga. Sabihin mo na ang mga gusto mo mangyari for the baby para hindi na tumagal ang problema mo. Para hindi na rin sila magpumilit pa.

Oo nga. Siya ang nawalan hindi ikaw. Ako nga wala man lang moral support galing sa father ni baby. Nagbibigay lang ng pangcheckup to know kung may heartbeat pa kasi gusto nya mawala. Tapos di pa alam nung parents nya na may apo na sila. Then ngayon nakipaghiwalay na sa akin. May bago na kasi. Lol. Haynaku. Kaya natin to. Laban lang para kay baby!

True. Laban lang. Ipakita mo sa kanila na hindi mo kailangan ng tulad nila. Jusko.

Tama sis.. mainam na maging single mom kesa balikan mo pa sila, wag kna magtiwala.. pera pera lang ba? E samantalang nung kelangan mo sila wala sila.. dami mo pa narinig db ok lang yan sis tanggap ka ng pamilya mo sapat na un. Wag mo nlng iparamdam ke baby na may kulang sknya, punan mo lahat.. maging ina at ama sknya kaya mo yan. God Bless

VIP Member

kapal ha pag katapos ka husgasan sa pag bubuntis mo samantalang sia ung ama tapos naun ikaw pa tong masama kung ipag dadamot mo anak mo naku te hyaan mo sila manigas sila kung kaya mo nmn buhayin mag isa anak mo wag kna umasa s knila for sure naman susupotahan k ng mga magulang mo dahil alam nila san kau mas mapapabuti ni baby.

sinabi mo pa mamshie bahala silang manigas kakamakaawa saken na makita nila ung anak ko .

Tama yan momsh, pakita mo at iparamdam mo rin yung pinaramdam nila sayo, matindi pa may gf na 3years na OMygad.... Kakabuwisit ang ganyan pagkatapis ng mga pinagsasasabe ng makita na si baby magbabago ang ihip ng hangin na akala nila nila yung sakit na iniwan nila balewala na lang...

Wag mo na po ipakita, kung ako po sayo nag pakita na sila simulat simula ng walang pag mamahal at pakealam..nakakainis lang ngayon sila lalapit sa baby mo., mas peste ka mo yung gf... Haist gigil nya ko hehe

VIP Member

Yes sis, kahit ako gawin sakin yan hindi ko basta basta ipapakita anak ko sa kanila. Matapos lang nila makita na kesyo kamuka ni baby ung tatay saka lang nila i-acknowledge. Hayaan mo sila maghabol. Kaya mo yan buhayin baby mo sis!

Tama yan Momsh, be strong yaan mo na yung guy napaka walang kwenta ng mga ganung lalaki di nila naappreciate yung pinagdadaanan ng mga kababaihan kaya ganun nalang sila kung makapanakit hyst. How i wish maranasan din nila maging babae ,

Same momsh wala syang paramdam nung nasa tyan palang baby ko . Ni kamustahin kami wala manlang ., tapos nung lumabas na si baby tsaka naman nag paparamdam.. Masmabuti pa yung hayop may malasakit . E yung taong asal hayop hyst.

Aba'y gago! Yubg guy at family nya yung maraming kuda at ipa DNA daw diba? Tas ngayon kapal ng mukha nila magsabi na pinagkakaila. Hala kagigil 🙄 Tama yan mamsh! Huwag na huwag mo ipapahawak kahit dulo ng buhok ng bata magdusa sila.

Nooo! Utot nila hahah ni dulo ng daliri kamo wala silang mahahawakan. Maglaway sila sa inggit. Cut mo na lahat ng communications mo sa kanila momsh. Sama sama ng mga ugali, kamo dun sila humingi ng apo sa jowa ng anak nila 😂 Hingi sila sampu.

Sis ung apelyido b ng ex mo ang pinagamit mo kay baby? Kc kawawa naman c baby n nung una pa lang oinagkaila na siya. Even you nakaranas ng discrimination. Let them be. Be happy with your baby and you have supporting parents

Kung gusto nila ipa DNA, sila pagastusin mo. Wala naman dapat ikaBahala kung alam mo yung totoo. Pag nag positive kamo na sa kanya, e magsustento siya. Wag niya na kayo balikan, kase nag doubt siya sa sarile niyang anak.

ayun nga sabe ko di ako gagastos ni piso sa mga gusto nilang gawin sa anak ko . mga walang maisagot

Trending na Tanong