EX

Mga mamshie, need advise lang po, medyo mahaba, pasensya na. May baby yung partner ko sa ex nya, they were totally separated nung nagkakilala kami. My partner told me nung nanliligaw pa lang siya and I accepted it since okay naman daw yung hiwalayan nila ni ex. Nag try siya magsustento pero ayaw tanggapin nung girl and nilayo yung bata. Nagkaron din ng bagong bf yung girl after nila maghiwalay at sinabi niya sa partner ko na yun na yung kikilalanin na tatay nung bata. Pero 2 mos siguro kami sa relationship namin, nagparamdam si girl, sinabi niya kung gusto daw makita yung baby, ipapakita niya daw basta magsustento (she also said na pinatanggal nya na surname ng partner ko), binili ni bf yung basic needs ni baby, kaso ang gusto ni ex e kumuha ng yaya since di na daw nila kaya alagaan yung bata which is hindi kaya ng sahod ni bf. Naaksidente din siya kaya hindi nakapagsustento ulit. Hindi na nagparamdam si ex samin pero after 1 year namin sa relationship ni partner, chinat nya yung mother ko, telling her things na bakit di daw niya sinasabihan yung partner ko na magsustento. Thats the time na minessage ko siya na wag idamay family ko, kasi kung sustento habol nya, yung partner ko dapat yung kausapin nya or pwede namang ako since open naman ako and willing to help kasi ayaw ko naman malayo yung baby ng partner ko sa kanya. Maayos kami nagusap ni ex, i even explained na nawalan ng work si partner and bigyan ito ng time para makabawi. I thought we're in good terms. Pero ilang days/weeks lang after namin mag chat, she posted us on Facebook, claiming na inuubos ng bf ko yung pera nya sakin imbes na magsustento na hindi naman totoo, I am working kaya hindi ko kailangan pera ng partner ko. I threw my bf an anniversary surprise and yun yung picture na sinama nya sa post nya saying na may pamg surprise daw bf ko sakin pero walang pang sustento. I would totally understand kung ipost nya yung partner ko pero she included me, she posted my photos as well. Her friends were bullying me, sending me hate message and calling me "Kabit", where in the first place e hiwalay na sila nung naging kami. Up until now kasi they are sending me mean messages that's making me stressed. Di ko po alam kung ano po dapat kong gawin. I was nice to her, and hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Any advise po? :(

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Well ganyan din partner ko now may una syang baby sa ex nya pero hiwalay na sila nung naging kami. Then yung baby hindi pa nakikita ng partner ko ever since pinanganak. Wala rin yung name nya sa birth certificate nung bata. Yung ex nya chinachat ako parents ko parents ng partner ko saying na inagaw ko daw kabit daw ako. Even her sisters and friends are messaging me. Inexplain ko sa kanya na paulit ulit kang pinapadalhan ng pera mga gamit and all pero ayaw nyo tanggapin. Tinanong namin ano ba gusto nya mangyare. Wala syang pinagsasabi kundi b*tch daw ako kabit mang aagaw and all. Desperada lang. Di ko nalang sya pinansin binlock ko nalang sya sa fb nireport ko messages and posts nya. Nagdummy account pa sya just to find me on social media. Paulit ulit lang ignore report then block. Toxic na tao mga ganyan. Kung ako sayo do the same thing. Pero kung sobra na sya. Save mo lahat ng posts at thread ng messages nyo for evidence then sampahan mo ng kaso. Di naman sila kasal so hindi ka kabit. Naging kayo hiwalay na sila bakit ginugulo ka nya. Kailangan nya ng sustento kausapin nya partner mo ng ayos hindj yung magpopost sya para sirain ka sa lahat ng tao. And pray ka lang magiging okay din ang lahat.

Magbasa pa
5y ago

I will sis. Prayers na lang nagpapalakas sakin. Salamat sa inyo ❣️ Di lang pala ako nakaka experience ng ganito.

Wooow KAPAL NG MUKHA EX NG ASAWA MO, ganyan na gnyan din mister ko may 2 anak siya sa ex niya .. Tapos naging kami hiwalay na rin sila tapos ngayon buntis ako nung una ginugulo kami ng ex niya kesyo ang kakapal dw ng mukha namin tapos ako dw mang aagaw tas kabit .. Tapos ung asawa ko ginugulo din niya .. Even my Family ginulo nung girl kinontak niya via FB tapos pinapalabas niya na inagaw ko dw sa kaniya ung ex niya at nawalan dw ng tatay ung anak niya dahil sakin, samantalng matagal na silang hiwalay ng asawa ko like 1yr na bago naging kami at siya mismo nakipaghiwalay at iniwan ung asawa ko before.. Tapos ung nalaman ni ate girl na nay kinakasama na ung ex nya w/c is ako nanggugulo na siya.. Samantalang nag baranggayan naman sila ng asawa ko before at nag usap ng maayos about sa sustento ng bata.. Natigil lng ung pang gugulo ng babae samin nung KINASAL KAMI NG ASAWA KO kasi alam niyang wala na siyang mapapala kung mang gugulo pa siya at saka pde ko siyabg kasuhan kung sakaling guluhin pa niya kami kasi di naman siya ung legal na asawa saka 2x a month nagsusustento asawa ko sa anak nya sa kaniya kaya nanahimik nalng sia mukha kasing pera.

Magbasa pa
5y ago

I will take note of that sis. Maraming salamat sa info. God bless ❣️

magpirmahan po kayo sa baranggay samahan mo yung bf mo teh... Depende yun kung magkano lang kaya nyang ibigay depende o base sa sahod nya pero kung inacknowledged ng bf mo ung bata sa birth certificate (kung nakaapelyido skanya) kahit di sila kasal responsibilidad o obligado sya magbigay sustento monthly pero kung sa iba na pinaapelyido medyo ibang usapin means kase ng pagacknowledge o pagbigay ng surname sa bata ibig sabihin magging kargo mo na needs ng bata tunay mo man anak o adopted pero bilang tatay kailangan nya magbigay ng pangangailangan ng bata at kung sakaling magkaanak po kayo hahatiin yun para sa mga bata wala na syang pakialam kung may pasurprise haha inggit lang sya 😂 😈 as long as nakakapagbigay sa bata ng supporta labas n sya sa kung anong gustong gawin ng bf mo in fact hiwalay na sila

Magbasa pa
5y ago

Nafollow nakita sissy ♥

VIP Member

Hi sis. Medyo mahirap yung situation kasi may karapatan nga naman manghingi ng sustento yung girl pero yes tama ka hindi naman kailangan dumating sa ganyang situation. Start by reporting her post about you to facebook and blocking all of her one-sided toxic friends. Para magkaron ka ng peace of mind. Also kapag umabot sa worst like sa baranggay, screenshot all your convos with her na nagusap kayo ng maayos. Also screenshot all the messages of her friends and also her post before deleting it. At kung gusto mo magkaroon ng laban, check the last name of the baby or birthcert if possible. Kasi sabi nya tinanggal nya yung last name ni partner mo di ba. Actually bawal yung ginawa nya na nilayo nya yung bata sa daddy na willing naman magsupport. Tapos ngayon bigla nya ilalapit.

Magbasa pa
5y ago

Salamat sis. Prayers lang din nagpapalakas sakin ❣️

di naman sila kasal.. pwede mo ireklamo ng cyberbullying yung mga nagsasabi saung KABIT ka.. tapangan mo sissy, for the first place, si EX ang nagtanggal ng karapatan sa partner mo ng ilayo nya ung baby nila tas di pa sinunod ung surname ng bata sa father nya kea wala sya karapatan mag demand ng support legally dahil di naman naka apelido kay partner mo si baby.. you can sue that girl legally para matakot sayo.. paninirang puri..

Magbasa pa
5y ago

salamat sis. I have screenshots that I could use pero I think she's joking na tinanggal niya na yung apelyido nung bata kasi malaki magagastos para dun. What I would do is i check siguro kung may birth cert ako makukuha under the baby's name.

Mommy the best advice I could give is hayaan mo nlang. Things will get worst if patulan mo, mas tatapang din Yung ex ng hubby mo. Importante alam niyo ng pamilya mo ang totoo. Mahirap mg explain sa mga tao. Isipin na Nila ang gusto nilang isipin. I deactivate mo muna fb mo if stressed ka. Your mind should be stronger than your emotions during these times. Kung papatulan mo, lalong hahaba. Mapapagod din yan. Hehe

Magbasa pa
5y ago

Ayun na nga ginagawa ko ngayon, siniseen ko na lang yung messages. Kaso ang malala may nagpapanggap na ako at minemessage yung ex, na pinaniwalaan niya naman. Ang akin lang e ano point kung gagawa ako ng fake account e nakapagusap naman kami ng maayos gamit ang real fb ko. Salamat mommy 😔

Kung kasal sila kabit ka nga. Pero kung hnde naman sila kasal wag ka mag paapekto sa salitang 'KABIT' wala syang karapatang pagsabihan ka non dahil hindi sila KASAL. Hindi sya ASAWA😏 GOD knows everything.. kung alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang masama and naging mas open ka pa hnde aadyain ng Dyos na maargabyado ka 😊 Don't mind her nalang sis! Nag hahanap lang siguro ng aruga 😂

Magbasa pa
5y ago

Baka nga, wala kasi yata jowa ngayon. Kaya daw ako panget kasi boyfriend ko yung ex nya sabi ng mga tropa niya, pag naghiwalay daw kami for sure daw gaganda ako kasi grabe daw glow up ni ex after nila maghiwalay ni partner 🤔

Seek for legal advise or magharap harap kayo sa barangay tapos gumawa kayo ng kasulatan or kasunduan para matapos yung pinuputok ng butchi ni Ate girl sustento. Isama niyo na din yung mga pagmemessage message niya sayo at pagpopost ng kung ano ano sa social media. Unang una siya naglayo sa bata tapos ngayon gumaganyan siya nung wala na siya mapangsustento sa anak niya. Diba, parang sira lang.

Magbasa pa
5y ago

Yes mommy. Nung nawalan ata ng bf tsaka nag message ng kung ano ano. Opo I will. salamat sa mga advise

U can file a case againts them sis. Yan kasi mahirap sa social media ngayon napaka toxic konting keme post agad para lang makapagpasikat kahit hindi na makatotohanan. Or atleast, linisin mo nalang ung name mo ipakita mo ung ung mga convo niyo before para magkaalaman talaga. And lastly, di ka niya makakasuhan kasi di naman sila kasal in the first place.

Magbasa pa
5y ago

Naka deactivate nga ako ng fb ngayon, pati IG ko nahanap nila kahit private. Nag memessage request, nakakainis kasi kahit anong pag balewala ko, nagpapop up kasi siya 😔 I feel her pain naman kasi di sila nag work ng partner ko pero di ko naman deserve na ganituhin niya ako just because she sees us happy together. Siya naman una nagka bf 🤔 Ang nakakalungkot lang sa social media, siya ang naging single mom kaya siya ang victim dito. Kahit valid yung galit niya sa bf ko, sana di niya ako idamay at family ko.

Ang toxic naman ng tao na yan. Labanan mo in a legal way. Mukang husto lang sya sa dada e. D nya alam pede sya mademanda sa paninira nya nagkaevidence ka pa dahil sa social media nya ginawa. Kaya mo yan sis. Damay mo na den mga alipores nya. XD basta ikaw nasa katwiran ipaglaban mo. 😅 sabe nga sa TV

Magbasa pa