Complicated relationship

Hi mga mamsh. Wala lang talaga akong magpagopenan bukod dito. At sobrang nastress na rin ako. Since nagsama kasi kami ng partner ko sa iisang bahay naging komplikado na lahat. Una, parang hindi na siya yung taong naging boyfriend ko sa loob ng 5 years. Ibang iba siya sa pinapakita niya noon at ngayon. Dati, understanding, supportive at maalaga siya. Ngayon kabaliktaran lahat, worst ang sinungaling niya pa. Tapos lahat na ata ng rason sa mundo ginagamit niya para makaalis ng bahay. Gusto niya lagi siyang nasa labas, sa family house nila o di kaya sa barkada. Ayaw din niyang lumalabas ako, kapag nag aayos ako iba na yung dating sa kaniya. Tapos recently nalaman kong ilang beses niya pala akong niloko before ako mabuntis at ayaw din pala ng family niya sa akin, ang gusto daw nila para sa kaniya e yung naging 3rd party sa relationship namin. At kung anu ano pang sinasabi nilang di maganda tungkol sa akin. Minsan iniisip kong makipaghiwalay Malang kasi nahihirapan na talaga ako. #theasianparentph #1stimemom

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po mommy.. Hindi lahat, pero nakikita ko po ang ilang bagay sa inyo ang dating naging sitwasyon ko.. Nung boyfriend ko palang asawa ko, He is SO NICE! nung nagstart na kaming magsama, nabuntis ako agad ako, kaya sabahay lang ako at siya namn ang nagwowork. Kung ano na oras umuuwi, hindi makatanggi sa inuman, ok lang na mag away kami basta huwag magtampo mga katrabaho niya kapag yayayain siya ng inom.. Naawa ako sa anak ko, kasi parang nag lihi ako sa kunsumisyon.. Hindi siya nagsisinungaling, PERO, hindi aamin kung di ko mahuhuli.. dumating siya sa point na mabubuyo na siya sa iba, buti nalang naagapan ko..Then napilitan ako sumama sa probinsya, magstay sa side ng family niya, kapalit na magtitino na siya.. Ang ending, for 5 years, ganun parin.. dahil sa stress, naging nagger na ako. at dahil nagger nako, mas naaburido na kami pareho sa isat isa. naalala ko sabi ng tatay ko sakin nung nagpaalam akong mag aasawa nko, "baka yan(asawa ko) na yung bato na ipupukpok mo sa ulo mo?." tama nga si tatay.. ilang beses ko inisip na iwanan siya.. ilang beses na rin pumasok sa isip ko mag suicide..aborido na talga ako. pero ano ang pumigil sakin? walang iba kundi ang ANAK ko.. Ayaw ko siyang bigyan ng broken family.. ayaw kong lumaki siya na may kulang.. wala akong hindi gagawin para sa anak ko. mas mahalaga ang kaligayahan ng anak ko kaysa sa sarili kong kaligayahan. dahil dun linunok ko ang pride, iniba ko ang approach ko sa asawa ko. naging mahinahon ako(kahit pa minsan ang sarap na niyang pukpukin) naging mas maasikaso at naging malambing din ako.. sinamahan ko na rin ng dasal. ang hirap nung una. pero eventually, yun ang nagtulak sa asawa ko na magbago.. deretso na siya uwi pagkaout niya ng trabaho. tumutulong na siya sa gawaing bahay, minsan siya pa nag kukusa.Hindi siya sasama sa yaya ng inuman kapag humindi ako everytime mag papaalam siya. mas naging active at enjoyable din intimate moment namin. at normal na samin ang mag sabihan ng iloveyou.. Mommy, katulad ng madalas ko icomment dito sa TAP with same scenario, Babae ka. Ang babae, malakas at matapang. iiyak pero di susuko lalo na kung para sa anak.. Ang babae po ang nagdadala sa pamilya. Ang Sagot po sa problema ay paghahanap po ng solusyon, hindi po pagtakas sa paraan ng pakikipag hiwalay. ikapit nyo po sa dasal. mag usap po kayo ng mahinahon, maging vocal po kayo sa asawa nyo, mas maiintindihan niya po kung sasabihin nyo sa kanya. Ang pagsasabi po ay hindi sa pasumbat na paraan. Subukan nyo po..kamartiran sa iba pero worth it po kung magwork.. patience lang po. kung nagawa nyo na po LAHAT at ganun parin.. anytime pwede po kayo bumalik sa magulang nyo, dahil obligasyon ng magulang tulungan ang anak. Maging ok na po sana kayo..

Magbasa pa