Complicated relationship

Hi mga mamsh. Wala lang talaga akong magpagopenan bukod dito. At sobrang nastress na rin ako. Since nagsama kasi kami ng partner ko sa iisang bahay naging komplikado na lahat. Una, parang hindi na siya yung taong naging boyfriend ko sa loob ng 5 years. Ibang iba siya sa pinapakita niya noon at ngayon. Dati, understanding, supportive at maalaga siya. Ngayon kabaliktaran lahat, worst ang sinungaling niya pa. Tapos lahat na ata ng rason sa mundo ginagamit niya para makaalis ng bahay. Gusto niya lagi siyang nasa labas, sa family house nila o di kaya sa barkada. Ayaw din niyang lumalabas ako, kapag nag aayos ako iba na yung dating sa kaniya. Tapos recently nalaman kong ilang beses niya pala akong niloko before ako mabuntis at ayaw din pala ng family niya sa akin, ang gusto daw nila para sa kaniya e yung naging 3rd party sa relationship namin. At kung anu ano pang sinasabi nilang di maganda tungkol sa akin. Minsan iniisip kong makipaghiwalay Malang kasi nahihirapan na talaga ako. #theasianparentph #1stimemom

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello po mommy.. Hindi lahat, pero nakikita ko po ang ilang bagay sa inyo ang dating naging sitwasyon ko.. Nung boyfriend ko palang asawa ko, He is SO NICE! nung nagstart na kaming magsama, nabuntis ako agad ako, kaya sabahay lang ako at siya namn ang nagwowork. Kung ano na oras umuuwi, hindi makatanggi sa inuman, ok lang na mag away kami basta huwag magtampo mga katrabaho niya kapag yayayain siya ng inom.. Naawa ako sa anak ko, kasi parang nag lihi ako sa kunsumisyon.. Hindi siya nagsisinungaling, PERO, hindi aamin kung di ko mahuhuli.. dumating siya sa point na mabubuyo na siya sa iba, buti nalang naagapan ko..Then napilitan ako sumama sa probinsya, magstay sa side ng family niya, kapalit na magtitino na siya.. Ang ending, for 5 years, ganun parin.. dahil sa stress, naging nagger na ako. at dahil nagger nako, mas naaburido na kami pareho sa isat isa. naalala ko sabi ng tatay ko sakin nung nagpaalam akong mag aasawa nko, "baka yan(asawa ko) na yung bato na ipupukpok mo sa ulo mo?." tama nga si tatay.. ilang beses ko inisip na iwanan siya.. ilang beses na rin pumasok sa isip ko mag suicide..aborido na talga ako. pero ano ang pumigil sakin? walang iba kundi ang ANAK ko.. Ayaw ko siyang bigyan ng broken family.. ayaw kong lumaki siya na may kulang.. wala akong hindi gagawin para sa anak ko. mas mahalaga ang kaligayahan ng anak ko kaysa sa sarili kong kaligayahan. dahil dun linunok ko ang pride, iniba ko ang approach ko sa asawa ko. naging mahinahon ako(kahit pa minsan ang sarap na niyang pukpukin) naging mas maasikaso at naging malambing din ako.. sinamahan ko na rin ng dasal. ang hirap nung una. pero eventually, yun ang nagtulak sa asawa ko na magbago.. deretso na siya uwi pagkaout niya ng trabaho. tumutulong na siya sa gawaing bahay, minsan siya pa nag kukusa.Hindi siya sasama sa yaya ng inuman kapag humindi ako everytime mag papaalam siya. mas naging active at enjoyable din intimate moment namin. at normal na samin ang mag sabihan ng iloveyou.. Mommy, katulad ng madalas ko icomment dito sa TAP with same scenario, Babae ka. Ang babae, malakas at matapang. iiyak pero di susuko lalo na kung para sa anak.. Ang babae po ang nagdadala sa pamilya. Ang Sagot po sa problema ay paghahanap po ng solusyon, hindi po pagtakas sa paraan ng pakikipag hiwalay. ikapit nyo po sa dasal. mag usap po kayo ng mahinahon, maging vocal po kayo sa asawa nyo, mas maiintindihan niya po kung sasabihin nyo sa kanya. Ang pagsasabi po ay hindi sa pasumbat na paraan. Subukan nyo po..kamartiran sa iba pero worth it po kung magwork.. patience lang po. kung nagawa nyo na po LAHAT at ganun parin.. anytime pwede po kayo bumalik sa magulang nyo, dahil obligasyon ng magulang tulungan ang anak. Maging ok na po sana kayo..

Magbasa pa

Hay nako. Sinasabi ko sayo sis. Sakit sa ulo mga lalaki. Sa umpisa lang talaga yan magaling. Kahit ako jowa ko naging sakit sa ulo na nung matagal na kami nagsasama sa isang bahay. Gusto din laging nasa labas at iiwanan ako sa bahay. Pag pinigilan mo sya pa galit. Sasabihan pa ko na "bakit, sino ka ba? ". Eh pinsan nya daw pupuntahan nya. Alam ko naman mas pipiliin nya pamilya nya kesa sakin. Sa pananalita nya pa lang. Aun iniwan ko na. Lakas din magsinungaling at kumausap ng ibang babae. Ngayon wala na kong stress sa buhay. Ang gaan ng buhay ko. Actually, mas okay na ko sa ganto eh. Parang ayoko na nga magasawa ulit. Nakakapagod mga lalaki. Para akong nagalaga ng isa pang bata. Wag ka palugmok sa ganyang sitwasyon. Ikaw lang makakagawa ng way para makawala jan. Kung iisipin mo magisa ka na lang. Lahat ng pamilya nya ayaw sayo, wag mo na antayin pati partner mo lumayo nadin sayo. Magtira ka pride sa sarili mo. Mahirap umalis sa una pero pag nakawala ka na sobrang saya.

Magbasa pa

If I were you momsh, leave! Hindi mo deserve ang katulad nya pati ang family nya. Imbes na sila ang gumabay sa Partner mo kinunsinte pa nila panloloko sayo... At kahit ituloy nyo pa pagsasama nyo as long as ayaw sayo ng parents nya at relatives nya wlang patutungunhan yung relasyon nyo.. Remember blood is thicker than water. Pag pinapili mo yan for sure magulang nya pipiliin nya.. Mahirap makisama sa isang kasinungalingan... Tatagan mo para nlng sa baby mo kaya mo yan momsh.. Hindi pa huli ang lahat, Someday kapag stable ka na at Naka move on ka na may Darating sa buhay mo na mas worth it na higit pa dyan sa lalaki na yan, balang araw pagsisisihan din nya na sinayang nya yung pamilya nya.. Lalo na kapag nakita nya na masaya na yung pamilya nya sa iba na dapat sya ang kasama

Magbasa pa
VIP Member

oo nga para saan pa att nagsasama kayo .para saan pa att naging kalive in/ asawa mo sya diba?? ano gusto nya ikulong ka sa bahay att sabihin kung kelan kalang lalabas? tsaka yang mga byenan talaga sa 100% naku siguro wala pang 50% ang sumang ayon att gugustuhin ka. akala mo naman kung mga sino sila akala nila ang sarap sarap ng buhay sa anak nila.. tsaka ano gusto nyang LIP mo maging losyang ka?? naku naku think of it! oo nandon na tayo sa mahal mo sya att mag kakaanak na kayo pero isipin mo nalang paano kung mas maging malala pa sya ikaw na nga nagsabi na nagbago na sya e.. Sa una lang yang sakit once na maka move on ka , magiging okay nadin ang lahat .. may mga lalaki talaga sadyang magaling lang sa umpisa

Magbasa pa

my advice.. talk to ur partner once and for all. prangkahin mo sya. anu ba talaga gusto nya mangyare sa buhay nya. willing pa ba sya makisama sayo. masaya paba sya sa relasyon niyo. kasi kailangan talaga may closure at maayos na pag uusap para kung hindi na pala sya masaya at ayaw na nya edi makaka move on ka na. mas okay pa ma heartbroken ka ngayon kaysa paulit ulit kang niloloko at sinasaktan. pag usapan nalang ninyo setup ng bata at sustento. mas makakaluwag sayo na alam mo anu ba talaga gusto niya para in the end walang pagsisihan.

Magbasa pa
VIP Member

hindi naman lahat ng guy or asawa ganyan sis kc ang asawaq gaya pa din xa ng dati nung bfq plang xa. pero sa sitwasyun u po I recommend na magusap kayo,need u malaman y bgla nalang xa ngbago, baka malaking factor ung magulang kc ayaw nila sayo. then if sa tingin d na worth ipaglaban then move on nalang and let go basta nasayo anak nyo.. mahirap gumising araw araw sa ganyan ang sitwasyun.

Magbasa pa
4y ago

asus kahit ayaw ng magulang kung may sariling desisyon att paninindigan yung lalaki.kahit ayaw sayo.pakamamahalin ka nyan. sasagot pa yan sa magulang nya na di naman kayo ang makikisama ako naman. kung dahil sa magulang pala edi mamas boy yung Ka live in ni ate. susss paano nlng pag me anak sila lalo na siguro..

kaya nga totoo ang salita na hanggang dimopa nakakasama sa iisang bubong dimo makikilala, may sadyang taong di nagbabago at may taong pakita lang pala ang lahat habang mag ON lang kayo. dimopa nga siya kilala sis, and better let him go! kesa sumakit lang ang ulo mo atleast habang bagk palang kayo nagsasama sa isang bubong naghihilom kana kesa patagalin mo, ikaw lang mahihirapan.

Magbasa pa

Kung ako Yung nasa position mo. makikipag hiwalay n nga ako. 🙂 kesa madagdagan pa Yung sama ng luob ko. partner Lang namn at d kasal..Kung kaya k Niya lokohin ng paulit ulit Ang hirap n mag tiwala.. projection ginagawa Niya sayo..pag nag loloko tpos gusto Niya sayo ibintang. kaya ganun siya sayo tuwing nag aayos. or takot siyang lokohin mo.

Magbasa pa

sa tingin ko po kaya ganan sya sayo kase ayaw nya ng responsibilidad gusto nya na sumuko kana at ikaw ang kusang umayaw..kung ako sa katayuan nyo umalis na po ako at iniwan sya ayokong i take risk ang baby ko sa stress na mararamdaman ko..kaya mo yan..sa umpisa akala mo hinde pero malalampasan mo yan lahat ingat godbless

Magbasa pa

get out mommy before it’s too late. mahirap ang situation mo at maaaring mas lumala pa dahil hindi sya titigil na lokohin ka gawa ng back-up pala nya ang family nya. kaya mo mag-isa na palakihin ang baby mo. pakatatag ka.