1 Replies

VIP Member

Ganyan din si baby. 16 months. Pero yung ginagawa nya, hinahayaan nya lang yung food sa bibig nya. Di nya nginungyuya. Ginagawa ko binibigyan kong water kada subo pero still yung water lang nilulunok. Naiiwan pa din ang rice at ulam sa bibig. Tas neto lang nilagyan kong fruit kada subo. Ayun, nginuya nya. Gusto lang ata ng ibang flavor at texture.

May naalala ko classmate ko nung hs. Ganyan sya. Super bagal kumain. Parang inuut ut nya lang yung food. Kaya super payat nya talaga. Parang sa bibig pa lang tunaw na tunaw na yung food nya. Konte lang din nakakain nya lagi kase ganun nga ginagawa. Pano nga kaya yan? Dapat siguro habang bata pa macorrect na. Kase baka madala nya hanggang paglaki na nya. Kahit po kaya kausapin na dapat nginunguya yung food walang effect? Yung pag ut ut para sa baby lang kamo. Pagbig girl na dapat nguya na. Sabayan nyo din po kumain tas be a model kung pano dapat. Sana po magwork.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles