My soon to be MIL
Mga mamsh, sino dito yung may mga nabiyayaan ng mabait na Mom in law? Balak namin magpakasal ng fiance ko next year pero yung mom niya nagpapakita na ng sungay. Bukod sa sya nag dedesisyon kung kelan yung date at ilan mga imbitado, pati simbahan at reception gusto nia pabor sa kanila, sinasabi pa niya sa anak niya na wag ako bibigyan ng pera. Di rin naman ako humihingi sa kanya, nagbibigay lang sya ng mga kelangan ko at may kanya kanya naman kaming pera. Parang di lang maganda ung sinabi ng nanay nya para sakin, saka lagi ko naiisip ung huli namin convo ng nanay niya, yung dating kasi parang gusto niya na maging sunod sunuran ako sa kanya. Mula naman nung umpisa wala kong matandaang masamang pinakita sa kanila, kahit na dinedeadma ko ng nanay nia noon, ginagalang ko pa rin sila. Siguro di lang talaga niya ko gusto pra sa anak niya. Eh nabuntis na ko eh, wala na siyang magagawa. Kaya pinililit ko na kumuha muna kami ng apartment pagkapanganak ko. Ayoko talaga tumira sa kanila. Hahahahayyyyy. ...