Makasarili

Hi mga mamsh, share ko lang. 'yung partner ko kasi 2 weeks ng nasakanila. Nandito kami ng baby ko (1 month) sa bahay ng parents namin. Hindi pa kami bumubukod kasi nagiipon pa kami. Biglaan kasi pagdating ni baby and na CS pa ko. So eto nga, umalis sya kasi may issue sya kay papa. Nagstart lang din naman sya magstay dito nung week na manganganak na ko until 1 month ni baby, pero pauwi uwi din sya sakanila pag nagaaway kami. Ngayon, ang issue nya kasi sa tatay ko eh ang pangit daw ng ugali. Kesyo ginagawa daw syang bata kaya umalis sya, hindi man lang sya nagpaalam sakin, tapos sa 2 weeks na yon di man lang nya kinakamusta anak namin. Naconfront ko siya kahapon, inopen ko na di man lang nya kinakamusta yung bata, about sa bata lang ang topic ko pero sya angdaming sinasabi, nandon na na mas maganda daw na dun na lang sya, na wala daw akong pake sakanya, na di ko naman daw talaga sya gusto kasi di daw sumama sakanya, na lagi na lang daw pabor sakin yung mga desisyon, and makasarili ako ever since, and pagod na daw sya, plus yung issue nya kay papa. And yung sinabi daw ng tatay nya na mas better kung dun na nga lang sya sakanila kesa magkagulo, and walang respeto daw yung tatay ko. Mga mamsh, sobrang nakakastress lang, kasi parang mas mahalaga pa yung pride nya kesa makasama nya yung anak nya. Ang reason ko naman bat ayoko dun sakanila is wala naman kaming ppwestuhan ng anak ko don. Tsaka, sobrang iniintindi ko naman na sya kahot nung buntis pa lang ako na kung ano ano na sinasabi nya sakin and sa magulang ko. makasarili ba talaga ako?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kulang lng Kayo sa masinsinang usapan. Parehas p Kasi mataas emotions ska parehas n pagod ska wlang mag bibigay.. Kung ano nararamdaman mo Yun din nararamdaman Niya. Parehas kayong stressed.. mas ok palamig muna ska na Kayo mag usap pag makikinig n Kayo sa isat Isa. Bka Lalo lng Kayo mag away pag pipilitin mo gusto mo or iimposed Niya gusto Niya. . Hindi pa rin nmn Kayo makakabukod kaya wla din solution. Mas ok p rin Kung diyan k muna sa Inyo.. Hindi nmn siya titira sa Inyo at ikaw sa knila.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi naman. Hindi lang maintindihan ng partner mo yong side mo. As always kailangan ng usapang masinsinan, bilang mag-asawa. Isantabi muna ang mga pride. At dapat parehong willing makipagmeet halfway.