NP / FTM 1 month old baby girl.

Mga mamsh pwede pong pa rant! Long post ahead !!!! Naiinis lang ako sa mga kasama ko dto sa bahay ang mama ko at kuya ko. Hindi ko alam kung nanadya ba sila. Pano kasi kung kelan tulog yung anak ko tska sila may gagawin yung mama ko biglang may hinahanap sa cabinet namin to the point na gagawa ng ingay hanggang sa magulat nlng ung anak ko at magising. May times din na natutulog ung anak ko then tatabihan nya tapos mag ffb sya edi ayun nagsitunugan yung mga chat sa messenger nya at napakalas ng volume so gulat ay at gising nnmn ung anak ko halos mamaos na ko kakasaway sknila na magdahan dahan kasi tulog na si baby. Meron pang eksena na naghuhugas yung mama ko tas biglang may malalaglag na kaldero or di kaya binabagsak yung plato bsta ung gagawa ng ingay. At isa pang naasar ako sinisigawan ng mama ko si baby ko. One time nakita ko sya pinapalo nya si baby tas nung snbe ko na hala bat mo pinapalo yan ma. Tas sbe nya tinatapik ko lang para makatulog na tas sbe ko ha? Iba ung tapik tska palo. Tas dedma nalang sya. Sinasabihan nya yung anak ko na mabaho ung anak ko kasi hnd daw nagpupulbo sabi ko di daw pwede sabi ng pedia pag yan ba hinika ikaw magpapagamot? Sbi ko sknya. Tas sinasabihan nya rin ung anak ko ng maldita. Araw araw naman naliligo anak ko minsan nga tatlong beses pa sa isang araw kung magpunas at magpalit ng damit pag sobrang init nakaka apat kaming palit. Yung kuya ko naman na sobrang laki ng boses ilang beses kong sinabi na pahinaan yung TV oo hihina then pag tumagal na ayan napapansin ko malakas nanaman. Minsan pa nga pag nagpapadede ako sa anak ko minsan napasok sya ng kwarto namin tas may kukunin or inutusan ni mama naiilang ako sobra. Lahat yan hnd alam ng asawa ko. Di pa kasi kami magksama kasi pinapagawa pa ung bahay namin so sa ngyon dito muna ko sa mama ko sya dun sknila nabisita lng sya dto pag rest day nya. Minsan po lipas ako ng gutom kakapanganak ko lang pano kasi minsan nauuna pa silang kumain sken habang ako nagpapatulog at nagaasikaso ng baby ko ending nawawalan na ko ng gana kumain kasi mas nangibabaw yung antok ko so itutulog ko nalang sya. Maikli pasensya ng mama ko sa baby ko. Hindi ko alam bat nasasabi at nagagawa nila yun alam kong uwing uwi na sila ng cavite pero sabi ko samahan muna nila ako. Sa totoo lang ako lang din magisang nagasikaso sa baby ko pano kasi hnd marunong mama ko pati pag change ng diaper hnd nya alam. Di nya alam pano patatahanin yung anak ko. Kaya nasisigawan nya. So wala rin pala akala ko paglabas ng anak ko matutulungan nya ako sa pagalaga. Papa ko daw kasi nagasikaso samin lahat lahat so wala syang alam. Di ko alam bakit ganun sila sarili ko pa man din pamilya minsan iniisip ko hnd ako mababaliw dahil sa panganganak ko eh mababaliw ako dahil skanila halos mamaos ako kakasabi alam mo ung tipong may ssbhin ka tapos hnd nila narinig hanggang sa nagising nlng ung anak ko kaka paulit sa sinasabi ko sknila. Konting tiis nalang by october lilipat na kami sa bahay namin ng asawa ko. Isa nalang hiling ko... sana okay ang mga in laws ko. Thank you sa pagbabasa pasensya na kung napahaba. :)

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Siguro mommy hindi sya sanay na may baby, hindi sya sanay na kailangan tahimik gusto nya lagi maingay. Yun po ang nakikita ko base po sa kwento nyo. Maging alert na lang din po kayo mommy, baka anytime masaktan talaga ng nanay nyo si baby pero huwag naman sana 🙏🏻 then pagsabihan mo na lang din kuya mo na kumatok muna bago pumasok. Hehe konting tiis na lang momsh, makakalipat na kayo para hindi kana din mastress. Smile mommy 😊

Magbasa pa
5y ago

Naku mamsh sobrang hirap nga eh. Pag kami lang dlawa ng baby ko napakahimbing ng tulog gigising lang pag gutom pero pag andto sila halos 30 mins lang tulog ng anak ko wala na gising na ulit. Yes sis! Konting tiis nalang talaga. Hahaha thank you sis! 😘