Problema kay LIP
Last day, nagka chat kami ng pinsan ko na taga probinsya. Nagkamustahan kami tas nabanggit nya na bumalik sya sa pag aaral tapos naka module daw sila at need nila sagutan ung 6 subjects na panay essay. Sabi ko send mo sakin baka makatulong ako since wala naman ako ginagawa pag tulog si LO. Tumabi sakin LIP ko tas nagtanong kung sino sinabi ko. Tas bigla syang nagalit. Bakit daw ako sasagot wala ba daw sila net don. Pinaliwanag ko sabi ko wala alam mo naman sa probinsya mahirap ang internet. Sabi nya bat sya nakakapag facebpok at nakakapag video chat? Sabi ko 10 pesos lang load nya pang fb lang. Sagot nya naman sakin mero bang ganon? Kalokohan naman yan. May pang fb walang pang search sa google. Kaya kami nagkasagutan. Dati paman ung LIP ko ayaw na ayaw nya na may communication ako sa family ko. Kahit nga sa mama ko eh. Biglang umiinit ulo nya pag nakita nyang magkausap kami ni mama sa telepono. Isa sa mga dahilan kung bat kami lagong nag aaway. Nahihirapan na din ako pero tinitiis ko lang para sa anak ko.