โœ•

Pa-vent out lang

Hi mga mamsh. Pavent out lang. Sorry. Wala kasi akong ibang masabihan. Dumating din ba kayo dun sa time na feeling nyo na fafall out of love na kayo sa partner nyo? Hindi ko alam ano ung nararamdaman ko. Para bang napapagod na ako. Kakapanganak ko lang din last july 2020. Okay naman sya as a partner. Kaso parang walang consistency sa lahat ng bagay. First few months nung nabuntis ako super asikaso pero habang natagal parang nag babago sya. Same with nung nanganak ako ganun din sya parang sa una lang sya maasikaso alam ko naman napapagod din sya pero everytime na tatanungin ko sya if need nya tulong or pag tutulungan ko sya ayaw naman nya mag patulong. Sa bahay kami ng parents ko nag stay nung buntis ako at hanggang manganak. Kaso yung feeling na para bang hindi sya masaya na andun kami. Kasi most of the time nasa kwarto lang sya. Yung tipong kami buong pamilya nasa sala nanunuod ng tv sya nasa kwarto namin. Lagi nya sinasabi sakin na namimiss nya family nya. Naiintindihan ko naman yun. Kaso parang sakin kasi sana bago sya nag propose or bago nya pinilit ipush namin ung wedding inisip nya na dadating at dadating sa point na aalis talaga sya sakanila kasi bubuo na kami ng sariling pamilya. Di ko tuloy maiwasan maramdaman or isipin baka napilitan lang sya na pakasalan ako dahil nabuntis nya ako. Napapaisip din tuloy ako kung tama ba na pinush namin mag pakasal. This past few months kasi parang di ko na din sya maramdaman yung most of the time cp nya hawak nya nag lalaro lang. Alam ko naman parehas kami nag aadjust sa buhay mag asawa at pagiging magulang. Sa ngayon dito kami sa parents nya nakatira kaso parang mas lalo lang humirap ung sitwasyon namin. Hindi naman sa pag iinarte kasi from time to time lagi namin sinasabihan mga kasama nya sa bahay na mag aalcohol bago hawakan si baby (turning 2 months) dahil syempre nakakatakot mag kasakit sa panahon ngayon lalo pa ung baby di nila masasabi if my masakit ba sakanila or what. Kaso ang ngyayari namimis interpret ng ate at mommy nya everytime ng reremind kami. Katulad kanina pinaremind ko lang naman kay hubby na sabihan ung mommy nya mag alcohol muna bago kargahin si baby kasi inuubo at nung umubo kamay gamit pantakip. Syempre sakin lang andun un germs sa kamay na pwedeng mapasa kay baby. Kaso ang ending minasama ng ate nya at ang dami ng sinabi. Nasaktan ako. Kasi pag nasa amin naman pag sinasabihan ko parents ko or sister ko na mag aalcohol bago hawakan si baby wala naman ako naririnig na side comment sakanila never din nag salita ng kahit ano parents ko sa harap nya or kahit nakatalikod sya.

1 Replies

VIP Member

Leave and cleave. Sa mag asawa po, kelangan talaga nakabukod. Kase di po talaga maiiwasan yang mga ganyan na di pagkakaintindihan at pakikisama sa di mo naman kapamilya. Sya hirap mag adjust sa inyo, tapos sa kanila naman di naman masabihan mga kasama. Kahit tayo yung asa tama, mahirap talaga magsabi lalo at iisipin nila bahay nila yun. If kayo lang din ang magkasama, mas magkakachance kayo na maging parents at mag-asawa ng walang nangengealam. Pag usapan nyo po ni hubby mo. Falling out of love, di naman yan instant na pagnaramdaman mo wala na. So habang meron pa naman, at mapapag usapan pa at magagawan pa ng paraan.. sana maayus nyo pa din laloโ€™t may baby kayo.

Trending na Tanong