Mga mamsh. Mali ata un desisyon ko pumayag magsama sama kami sa iisang bahay ng pamilya ng asawa ko. Nakabukod na tlg kami but due to unexpected event, nkiusap un sis ng asawa ko na makituloy samin at makikihati na lang sa upa. Pumayag ako kasi lagi ako nasa manila. Naiiwan hubby ko magisa dahil weekend lang ako umuuwi but nitong lockdown, dito ko naranasan un sinasabi ng parents ko sakin na hirap pag kasama ang magulang or pamilya ng asawa sa bahay. Lahat ng gastusin akin. Wala naman ako trabaho dahil nakamaternity leave ako. Wala pa trabaho asawa ko. Lahat pinakikialaman. Sa baby ko kesyo ganito ganito bawal ganito ganyan. Bakit ganito ganyan. Sa asawa ko sya pa ngaasikaso tlg. Pati ulam samin tatanungin. Ano ulam. Eh may mga trabaho naman anak nya. Pati pambaon ng bunso kapatid ng hubby ko. Ano raw ulam kasi para may mabaon si chuchu. Ano ba. May trabaho ka naman. Di ka bumili stocks ng ulam para may mabaon ka. Nakakainis lang mamsh. Di rin ako makakilos ng maayos sa bahay. Ang kulit kulit pa nya minsan. Paulit ulit mgkwento. Magtanong. Pinagpapasensyahan ko na lang pero dito ko narealize na di ko pala kaya. Sabi ko sa asawa ko oras na malipat na ko ng work sa bulacan, kailangan namin bumukod. Di ko kaya tumira kasama sila. Nhihirapan ako.