Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Pahelp naman po ako. Normal lang po ba to sa baby. Need ko na ba sya dalhin sa pedia?
2nd time nagkaroon ng ganito. Un first, sa harapan ng ilong. Help kung bakit nagkakaganyan si baby. 8mos na po sya. Thank you.
Parant ako. nahihirapan ako kasama ang pamilya ng asawa ko sa bahay
Mga mamsh. Mali ata un desisyon ko pumayag magsama sama kami sa iisang bahay ng pamilya ng asawa ko. Nakabukod na tlg kami but due to unexpected event, nkiusap un sis ng asawa ko na makituloy samin at makikihati na lang sa upa. Pumayag ako kasi lagi ako nasa manila. Naiiwan hubby ko magisa dahil weekend lang ako umuuwi but nitong lockdown, dito ko naranasan un sinasabi ng parents ko sakin na hirap pag kasama ang magulang or pamilya ng asawa sa bahay. Lahat ng gastusin akin. Wala naman ako trabaho dahil nakamaternity leave ako. Wala pa trabaho asawa ko. Lahat pinakikialaman. Sa baby ko kesyo ganito ganito bawal ganito ganyan. Bakit ganito ganyan. Sa asawa ko sya pa ngaasikaso tlg. Pati ulam samin tatanungin. Ano ulam. Eh may mga trabaho naman anak nya. Pati pambaon ng bunso kapatid ng hubby ko. Ano raw ulam kasi para may mabaon si chuchu. Ano ba. May trabaho ka naman. Di ka bumili stocks ng ulam para may mabaon ka. Nakakainis lang mamsh. Di rin ako makakilos ng maayos sa bahay. Ang kulit kulit pa nya minsan. Paulit ulit mgkwento. Magtanong. Pinagpapasensyahan ko na lang pero dito ko narealize na di ko pala kaya. Sabi ko sa asawa ko oras na malipat na ko ng work sa bulacan, kailangan namin bumukod. Di ko kaya tumira kasama sila. Nhihirapan ako.
Looking for pre-loved baby stroller (boy)
1k lang po mga mamsh budget ko. Manila or Plaridel, Bulacan area. Thank you.
Baby Supplies
Hello po. Ask ko lang kung bukas kaya un mga baby supplies dun sa divisoria? Gusto ko sana kasi bumili duyan and crib. Plus mga damit pa ng baby ko. Thank you. Or kung may marerecommend po kayo mura online supply na nagdedeliver. Thank you po ulit.
CS sa Perpetual Succor Manila
Mamsh, sino po dito nacs sa Succor? How much po nagastos nyo? Ok din po ba dun sa Kabayan Package Room nila. Dito kasi ako nirefer ng OB ko for CS. Tight lang un budget ko. Nagusap naman kami. Nagwoworry lang ako baka mamya mabill shock ako pagdating dun. Pls advise. Thank you.
Gising po ba or tulog pag CS
Mga mamsh. First time mom here. Sadly but not super sadly, cs ang nirecommend ni ob sakin. Maliit kasi un sipit sipitan ko. Di kakasya daw si baby. Ask ko lang, gising po ba kayo or tulog pag nagcs? Ano po pakiramdam while doing the procedure?
Need advise
I am sad now. Mukhang extended un ECQ and the saddest part is manganganak akong hindi ko kasama ang hubby ko. Nalockdown sya sa Bulacan where we live. Ako, andito pansamantala sa parents ko sa Manila. Don't know what to do. As a first time mom, I need my hubby at my side. He is my strength but mukhang hindi magiging posible yun. Nalulungkot ako sobra ?
Best Exercise Vid Pampatagtag
Mga mamsh. I am 36 weeks na pregnant. Close cervix pa. Sabi ni ob, possible abutin pa ko ng 40 weeks. Any advise re exercise. Nanghihina kasi ako. Paano, buong 3 weeks during ECQ na kain, tulog lang ako. Di ako sanay na di kumikilos. ? Can't walk na malayo layo kasi liit lang ng bahay namin.
9mos at di pa nachecheckup dahil sa ECQ
Nagwoworry ako mga sis. Ika9 mos ko na ngayon at hindi ako macheck up kasi walang OPD due to ECQ. Di ko alam kung normal ba ko or cs ? Nginquire na ko sa mga mall na may clinic, wala rin sila OB check up muna. First time mom here.
Pwede po ba magkape ang buntis?
Super crave na kasi ako mga mamsh. Di ko na kaya ? I am 35 4/7 weeks pregnant.