Vaccine For Pregnant

Hi mga mamsh. Magkano inabot ng isang shot ng vaccine nyo? Ako kasi laging 4k plus. Sa private hospital. Di ko alam if need ko ba lumipat ng ibang hospital kasi parang tinataga ako or feeling ko lang ba yun. πŸ˜‘

38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sam tayo mommy, yung sa dati kong OB umaabot ako ng 5K every vaccines ko. Nag switch ako ng OB, ayun di naman pala kamahalan. Nakakaloka pero wala na eh, lipat kana din. Kasi feeling nila okay lang kaya sige sige din ang abuso nila sa price ng vaccine.

VIP Member

Sa family doc ako nagpa-vaccine, hepa B and anti flu ko 1900 lang lahat lahat basta may famdoc card ka pero pag wala nasa 2100 lang. Hehe. Yung tetanus toxoid naman 175 lang sakanila.

130 pesos lng po. Kasama na 3cc na injection. Si hubby kc nurse so nagpapariseta lng kmi sa OB ko ng vaccine tapos mura lng din ung vaccine

Sa center po libre lng... Pag wala silang stock ng vaccine,bibili kalang tpos sila na po mag tuturok... Donation lng po ung bigay

Pinag vaccine na ko ng ob ko anti tetanus 260 lng tapos sunod daw na check up ko yung anti flu naman na shot 560 daw.

Ako wla kaht anong vaccine hanggang sa nanganak ako sa 3rD baby ko. Nung june 30,2020. Kc naabutan ng lockdown nun.

Ako po katapos kolang mag checkup ininjectionan ako ng OB ko ng anti flu vaccine inabot po ako ng 1950 😁

VIP Member

Ako flu vaccine lng 2,500, nd nko in advice na mag anti tetanus ng ob k since safe nman s pagaanakan k nn..

Anti flu vaccine sa clinic ng Ob ko 1500 then yung anti tetanus is sa center nman free lang..

VIP Member

Tetanus sa center free lang. Flu vaccine, is it really okay po magpaturok while pregnant?