Burst Out

Mga mamsh, long post ahead. Di ko na kasi alam paano ko mailalabas itong sama ng loob na nararamdaman ko parang pag hindi ko nailabas ito sasabog ako at baka makagawa at makapagsalita nanaman ako ng hindi napag iisipan. I'm currently pregnant for 28 weeks, I was a career woman at the age of 18 years old(currently 21)nagstop ako mag aral to have work and sustained my Family(My mother & My sibblings) needs and at the same time nabibili ko ang mga gusto ko ng hindi umaasa o humihingi ng pera sa iba and i found myself worthy o may kwenta/silbi dahil may trabaho ako. But since naging maselan ang 1st trimester ko and sobrang inaalagaan ko ang pagbubuntis ko(I am diagnosed with Polycystic Ovaries) dahil sa maliit lang ung chance na mabuntis ako, nag stop ako mag work since graveyard ung pasok ko at nahirapan mag adjust ang katawan ko sa changes. So since then nakaasa lang ako sa live in partner ko, 5 years na rin kaming mag bf/gf and legal kami sa pamilya namin, hindi sya nagrereklamo sakin pagdating sa pera na kinikita nya at binibigay nya sakin kasi hindi rin ako maluho or magastos. Later on nararamdaman kong pabigat ako at wala akong kwentang tao kahit wala naman nagrereklamo sakin , basta nararamdaman ko lang na wala akong kwenta kaya ginagawa ko inaasikaso ko talaga yung bf ko pag papasok sya at pag uwi ng bahay as in nagpapaka wife material ako sa bf ko kasi ayoko dumating sa point na baka sumbatan niya ako sa mga sakripisyo nya although maliit ung chance na gawin nya sakin yun auko pa rin maging petiks or kampante, pero lately sobrang sama ng loob ko sa bf ko ?? uuwi sya sa bahay ang hawak agad cellphone at maglalaro. Although okay lang sakin maglaro sya kahit ilang minuto or isang oras pero hindi eh doon na napupunta ung free time nya. Everytime na gagalaw si baby sa tyan ko bigla kong kukunin ung kamay nyang habang naglalaro sya tapos ipaparamdam ko sa kanya ngingiti sya pag naramdaman nya pero after nun balik ulit sya s paglalaro. Kinausap ko na rin sya before about sa nararamdaman ko pero ilang araw lang na nag stop sya sa kaka cellphone nya balik ulit sa dating gawi, pinakiusapan ko na sya na kahit di nya na ako bigyan ng time basta makapag pahinga siya at makatulog kasi laging bitin yung tulog nya dahil maaga ang pasok nya tapos gabi na siya umuuwi pero mas pinili pa rin niya maglaro. He never cheated on me at sure ako doon, i have access sa mga social media accts nya kahit sa cellphone aside from that introvert bf ko at di talaga palakaibigan. Kumbaga ang problema ko sa kanya is kaagaw ko sa oras at atensyon niya yung addiction niya sa mga online games. May mga times kasi na pag natatalo sya sa mga laro nya nasusungitan nya ako o napagtataasan ng boses. Dahil na rin siguro buntis ako mas naging maselan ang emosyon ko. Sa ngayon ako nag aasikaso ng pinagkakakitaan ng mother ko which is online business nya at every time na magkapera pinang ggrocery ko ng pangangailangan namin especially Milk powder kasi gusto ko rin na pati bf ko nakakapag gatas para may lakas sya sa trabaho. Parang lahat na Ginagawa ko para sa kanya pero hindi nya man lang ako mapagbigyan sa simpleng request ko sa kanya ung oras at atensyon nya ??. Sorry sa mahabang post at thank you ahead sa mag advice. More powers satin mga Mamsh.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Super relate ako dito sizt! iniintindi ko na lang din yung husband ko kasi stress outlet nya ang mobile games lalo na sa kind of work na meron sya. Pero minsan dinadaan ko sya sa patampo na lambing para sa full attention nya. Sinasabi ko na mamaya na sya maglaro, “baby time” muna.. so far naman effective.. pero minsan lang tlga bilang buntis, hindi maiiwasan madali tyo magalit or mairita or malungkot.. open communication lang sis! good luck!

Magbasa pa

Ganyan din asawa ko napupuyat sa paglalaro ng online games s phone nya. Hinahayaan ko na lng sya. Inaasikaso pa din naman nya ako kahit papano.