PA SHARE LANG PO ?

Hi mga mamsh labas ko lang yung bigat na nararamdaman ko ngayon ?. Ako lang ba dito yung buntis na EXCITED at TAKOT?, Excited kasi gustong gusto ko na makita yung baby ko, PERO TAKOT ako kasi baka manganak ako anytime(lalo nat 2cm na ako) soon na wala kaming ka pera pera ng LIP ko ?????. Grabe ang hirap sobra ?. Admit na sana ako kahapon ng ob ko kaso di ako nagpa admit kasi nga wala kaming pera sa ngayon. Inaasahan namin sa ngayon is yung padala ng pera ng mama mg LIP. kaso hindi pa siya sinasahuran ng napakasamang amo niya sa abroad. Grabe stress na ako sa sitwasyon namin, stress pa ako sa amo ng byenan ko ?. Yung parents ko naman di ako basta2 mapahiram ng pera kasi hindi kami in good terms ng papa ko. So which means si mama di makapagpahiram sakin basta2 kasi baka malaman ni papa at mag away pa sila. Di ko na alam kung kanino ako lalapit nito ???. Halos lahat ng kakilala namin kapos din sa ngayon ??. Kaya lage kung kinakausap baby ko na wag muna siya lumabas hanggat wala pa kaming pera ng papa niya kasi natatakot ako baka biglang manganak ako ng wala kaming pera, baka saan kami nito pupulutin ???????. Although may philhealth naman ako, pero iba pa din kung may pera in case na may bibilhin sa labas . Gabi gabi nalang ako naiiyak dahil sa sitwasyon namin???. Don't know what to do mga mamsh ???????????????. Napanghihinaan na ako ng loob. Kung ano ano na lang naiisip kung gawin. Parang gusto ko ng sumuko, pero ayaw ko kasi iniisip ko baby ko. Di ko alam kung papano namin to malalagpasan. Kung kelan kabuwanan ko tsaka kami nagkaka ganito ?????????????

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag nang mgpa stress,si partner mo na bhala dyan.importante ang kalusugan nyo ni baby.sayang nga lang at hindi nyo naisip mag ipon for 9months khit paunti unti kasi hnd nman emergency ang panganganak.lesson learned na sana yan sa susunod nyong baby.pray lang at makakaraos din

6y ago

I feel you sis maaga din ako napa resign dahil maselan. Naubos din ipon. Pray lang sis. Lumipat din ako sa government hospital para kahit may babayaran konti lang. Alam ko mahirap manganak sa government hospital pero wala talaga choice. Pray lang sis.