Stressssed ?

Hi mga mommy palabas lang ng stress. 38w1d na ko pero wala padin kaming pera sabi ko sa hubby ko ayako ilabas to hanggat wala tayong pera employed ako and may HMO card ako pero 25k lang sakop niya and nasa private hospital kami since bawal ang 1st baby sa lying in. Paalis na sana siya ng bansa kaso di natuloy kasi nabuntis ako tas ako naman kakagraduate ko lang nang college nung april pero nagkawork naman agad ako sa magandang company. Ngayon walang trabaho hubby ko kasi di kami prepared nalaman namin si baby 6mos. na tiyan ko at in 3mos. for training na siya sa japan kaso di na niya tinuloy. Yung work naman na inapplayan niya ang tagal tumawag. Yung ipon ko naman sa sahod ko pinambili ng gamit ni baby. As of now naaasa siya sa padala ng mga kapatid niya sa ibang bansa pero hanggang ngayon wala padin ☹️ Andami dami kong pangarap para samin ni mama since solo na anak ako pero parang nasira lahat di ko naman sinisisi si baby pero may mga oras na ayon ang naiisip ko lalo na ngayon hirap kami sa pera. Sobrang workaholic ko kasi at naiinis ako pag wala akong pera na hawak lalo na ngayon manganganak na ko ?? Sorry baby a kung minsan naiisip ko na nasira lahat ng plano ko pero alam ko blessings ka samin pagsubok lang to kaya natin to konti nalang naman mailalabas na kita.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahal masyado sa private hospital sis. Para mas makamura Sa government na lang po kayo . And mag ward kayo para makamura mahal kase ng room pag semi priv. Or Private.

5y ago

Kaya ayokong mag pa admit noon sa private kase alam kong ako yung mahihirapan . Pumunta ako ng er nun sobrang sakit ng puson ko humiga lang ako and urinalysis test grabe 1500 agad. Kaya nung sinabi nilang iadmit nila ako ayoko. Pumunta talaga ako sa government.

Di ba employed ka naman sis? Nagpasa ka ba ng maternity notification mo sa hr nyo para sa maternity benefit mo?

5y ago

True! Sakto if ever makuha ko mat ben sakto sa gender ultrasound ko. Pwede na agad mamili ng gamit ni baby. Pero if di umabot keri lang din since may funds na kami na naitabi tlga ni hubby 😊