Blooming

Mga mamsh. Kapag daw ba blooming si mother habang nag bubuntis ibig sabihin is lalaki ung baby na dinadala nya? Ty po sa makakasagot.

59 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ang sabi blooming daw ag babae but I dont believe it. Yung first pregnancy ko ang shonget ko pero girl paka baby ko. Ngayon 2nd, nakikipagtalo sakin mga officemates ko baka nagkamali daw ang ultrasound, girl daw ang baby ko kasi blooming ako eh boy naman sya. Mga tita and mama ko, mga experienced moms na nagtataka din daw kasi blooming ako pero bakit boy. Haha kaya di na lang ako naniniwala

Magbasa pa

Sabi nila pag blooming ang buntis babae daw si baby, ako kasi haggard na haggard dati palaayos ako ng sarili ngayon kahit mag face powder parang kinatatamadan ko pa then dami ko din tigyawat dati naman hindi ako tigyawatin kaya sabi nila baka boy daw si baby.

Depende po yan mamsh. Kung tamad ka po talaga mag ayos sa sarili di ka magging blooming at kung meron ka morning sickness hindi mo na maiisip magayos pa. :)pero kung wala ka naman nararamdaman at feel mo magayos ayun bblooming ka talaga

VIP Member

Depende mamsh. Kasi ako baby girl okay nman yung itsura ko dati diman po lumaki ilong ko or nagkabreak out sa mukha. Pero ung friend ko baby girl din siya nagkatigyawat at lumaki po ilong. Depende po siguro tlaga

VIP Member

Parang di naman totoo yan,hehehe yung panganay ko ang tsaka ko🤣 yung tiningnan skin ung hugis ng tyan ko,malapad tapos pbilog,babae daw..ayun babae nga..pagpatulis lalaki...sa htsura parang hndi totoo

Alam ko po sa pamahiin is gurl pag blooming 😊😊 yung sakin po baby girl im 30 weeks pregnant 😍 lagi nila cnasabi na blooming ako tho may pimples ako pero iba yung pushaw ng muka ko 😍

Sabi po nila pag blooming daw, babae daw po pero sa case ko po, maraming nagsasabing blooming ako at babae daw anak ko pero nung nagpa ultrasound nako, lalaki po. Hehe

Its a Myth. Iba iba po ang pagbubuntis ng bawat babae depende sa pregnacy hormones so hindi basehan ang itsura ng buntis sa magiging gender ni baby ☺️

Sabi nila pag blooming girl. pero I dnt think so. yung youngest ko lalaki pero yung mga tao sa paligid ko makapagsabing blooming ako wagas 😅

Base sa observation ko, oo.. kasi kung baby girl ,magiging medyo losyang si mommy kasi kinukuha ni baby yung kagandahan no mommy..