ABNORMALITIES

Hello mga mamsh. Gusto ko lang makarinig at makabasa ng positive. Kasi palagi ako napapaisip dahil sa baby ko. Iniisip ko ang paglaki nya na tutuksuhin sya paglaki at masakit para sakin yun bilang ina. Gabi gabi ako nagdadasal, tinititigan at umiiyak. First baby ko po may congenital hand abnormality. Sino po dito ang kagaya ko or may ibang abnormality sa baby nila? Sorry po sa tanong ko pero gusto ko lang maramdaman na di ako nag iisa, magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Dahil first time mom ako tapos ganito at kung paano haharapin sa buhay ang bawat hamon samin at sa anak ko pagdating ng araw.

ABNORMALITIES
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Be strong mommy.. And pray n pray lang.. Para magaan sa pamumuhay anuman sitwasyon natin ngayon lalo na ni baby.. Mapalakas ang loob ng bawat isa sainyo mapapagaan ang buhay nyo di mo namamalayan malaki na sya with faith and gods grace.. Meron purpose ang lahat mommy.. At alam na yan ni baby.. Ang problema lang satin ay sa paligid na dapat mong labanan at patatagin mo ang loob mo.. πŸ˜˜πŸ˜‡

Magbasa pa