ABNORMALITIES

Hello mga mamsh. Gusto ko lang makarinig at makabasa ng positive. Kasi palagi ako napapaisip dahil sa baby ko. Iniisip ko ang paglaki nya na tutuksuhin sya paglaki at masakit para sakin yun bilang ina. Gabi gabi ako nagdadasal, tinititigan at umiiyak. First baby ko po may congenital hand abnormality. Sino po dito ang kagaya ko or may ibang abnormality sa baby nila? Sorry po sa tanong ko pero gusto ko lang maramdaman na di ako nag iisa, magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Dahil first time mom ako tapos ganito at kung paano haharapin sa buhay ang bawat hamon samin at sa anak ko pagdating ng araw.

ABNORMALITIES
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy, yung bayaw ko ganyan kamay nya. Dalawang kamay pa nga eh. Pero nakapagtapos naman siya ng pag aaral and living a normal life. Ikakasal na nga siya eh 😊 Hindi po yan magiging hadlang para magkaroon ng normal at magandang future si baby. Sa inyo po mismo magmumula yan, kung mararamdaman nya mula sa inyo na may hindi normal sa kanya, yun na din ang mararamdaman at iisipin nya.

Magbasa pa

Be strong mommy,think positive.Ang mas mabuti ay healthy si baby,may problema man siya physically pero di yun hadlang sa pag laki niya.Ipakita mo mommy na ikaw ang unang tao na handa mo siyang ipag tanggol sa kahit sinu pa man at ipamulat mo po sa kaniya na hindi yun hadlang sa pagiging mabuting bata niya at huwag mo mommy sasabihin na abnormalities yan ng baby mo ang mahalaga kasama mo siya at malusog siyang bata.

Magbasa pa

Be strong mommy.. And pray n pray lang.. Para magaan sa pamumuhay anuman sitwasyon natin ngayon lalo na ni baby.. Mapalakas ang loob ng bawat isa sainyo mapapagaan ang buhay nyo di mo namamalayan malaki na sya with faith and gods grace.. Meron purpose ang lahat mommy.. At alam na yan ni baby.. Ang problema lang satin ay sa paligid na dapat mong labanan at patatagin mo ang loob mo.. 😘😇

Magbasa pa
VIP Member

Ako po, 6 ang fingers ko sa right hand. Medyo tampulan ng tukso nung bata pero ikaw bilang ina ang dapat magsabi sa anak mo na walang mali sa kanya at normal pa din sya. Nung nag high school na ako, di na masyado pansinin. Normal pa din naman buhay ko. Nakapag asawa at nagka trabaho pa din naman ako. May pinsan akong kulang naman ang daliri pero normal pa din naman naging buhay nya

Magbasa pa

Wag mo isipin ang sasabihin ng ibangtao mommy. Normal na sa mga tap ang may masaving masama sa kapwa. But who cares diba? As long as tanggap mo si baby, dpt ikaw ang unang unang makatanggap na may differences sya anng sa gayon ay matanggap nya rin ang sarili nya. Pero don't underestimate the power of science. Pwde naman na po yan mag undergo sa surgery in the right time. Godbless mamsh,😇

Magbasa pa

sis sa mundo naten kahit wala kang abnormalities asahan mong my maririnig kang di maganda, hayaan mo lang sila ang importante lagi kang nanjan para sa baby mo 😊 Swerte yan sis, lahat ng baby swerte. Wag mong isipin ang sasabihin ng iba, ang importante lumaking malusog at may takot sa diyos si baby, nasa pagpapalaki mo yan sis. God bless you, stay positive! ❤

Magbasa pa

be proud po sa baby mu, dapat po ikaw ung unang mgpplakas ng loob ng anak mu n harapin ang mundo, my kpatid din po akong gnyan, paa at kamay ung paa nya kulang ng tatlong daliri mula hinlalaki kya kitang kita pg ng tsenelas nung bata xa tinutukso din xa pero tinatawanan nya lng,ung kamay nya mgkadikit ung dlwang dliri sa gitna, until now 21 n xa, balewala nlng s knya, ,

Magbasa pa

Awww baby <3 Sa mata ng mabuting tao mommy, walang problema at iba kay baby <3 Habang pinapalaki mo sya, make her feel na as if she's the most beautiful person and she will feel the same way about herself habang lumalaki sya. <3 God bless your family and baby Momsh! Don't worry too much sa mapanghusga, they will have their lesson sa oras nila. :))

Magbasa pa

I know mahirap mamsh, kahit sabihin pang Hindi tayo dapat mag reklamo sa anong ibibigay ni Lord Alam ko nalulungkot ka not for you but for your baby. Always pray lang po, minsan Kung ano ung kulang satin tinutumbasan ni Lord ng mas sobra pa sa ibang aspeto. In times of sadness and anxiety always pray po.. Sya lang makakapag pakalma sayo..

Magbasa pa

Be strong mamsh. Look at the brighter side. Healthy naman si baby mo despite sa appearance ng kamay nya. 😊 next time, make sure na magpa Congenital Anomaly Scan ka for early detection.🙏🏻 Ang goal nating mga mommies mapalaki ng maayos ang ating mga anak. You're still blessed kase maraming babae ang hindi nabibigyan ng anak.

Magbasa pa
6y ago

Sa ultrasound din po ba makikita kung may congenital ab. ang baby? Ask lang din po no to offend po..