ABNORMALITIES

Hello mga mamsh. Gusto ko lang makarinig at makabasa ng positive. Kasi palagi ako napapaisip dahil sa baby ko. Iniisip ko ang paglaki nya na tutuksuhin sya paglaki at masakit para sakin yun bilang ina. Gabi gabi ako nagdadasal, tinititigan at umiiyak. First baby ko po may congenital hand abnormality. Sino po dito ang kagaya ko or may ibang abnormality sa baby nila? Sorry po sa tanong ko pero gusto ko lang maramdaman na di ako nag iisa, magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Dahil first time mom ako tapos ganito at kung paano haharapin sa buhay ang bawat hamon samin at sa anak ko pagdating ng araw.

ABNORMALITIES
107 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang abnormalities po ng isang bata na pinapanganak ng bawat ina ay hindi po natin kasalanan. At paglaki po niya, tama po kayo, hindi natin maiwasan na maaring tuksuhin siya. Ngayon po, habang bata pa siya, turuan niyo po siyang tanggapin ang sarili niya, at palakihin niyo po siya na may tibay ng loob. Ng sa gayo'y pagdating ng araw nkaka-adjust na po siya sa mga posibleng mangyayari. At pagnagkaroon na po siya ng isip, at marunong ng umintindi, lagi nyo pong ipapaalala sa kanya na hindi niya kasalanan na nagka ganyan siya, nang sa gayo'y hindi po siya mag self pity. Turuan niyo din po siyang magkaroon ng self confidence. Marami pong may kapansanan sa sanlibutan na naging successful po at dahil don, hinahangaan sila ng marami..

Magbasa pa

Hi mommy, be thankful pa din po kasi healthy si baby. God will always guide you and your baby lahat yan mars my purpose :) tangapin mo lang mag focus ka sa pqgpapalaki my baby. My ka work po ako dati my congenital anomaly sa both hands and sa paa. Wala syang mga daliri, kalahati lang wala dn kuko. But still nka Graduate sya and nkkpag work :) katunayan magaling pa sya mag drawing at nag papainting pa as a hobby. And partida since kalahati lang mga daliri nya tingn nmn mahina ang grip pero hindi nakakapag gym pa at nkakapag buhat. Kaya positive lang mommy :) dba ang galing ni God :) kasi kahit papano ang normal ng takbo ng buhay nya. Kaya positive lang sis.

Magbasa pa

Will be praying for your baby po . Lagi mo sakanya ipapafeel yung love mo, wag mo isipin na iba sya, or kawawa sya . Dapat magsimula sayo yun, yung pagtanggap sa kamay nya na ganyan . Maging open kayo about it paglaki nya, turuan nyo parin sya kung pano magagawan ng way para magawa nya parin mga bagay na nagagawa ng may kamay at kumpletog daliri :) para paglabas nya or may makasalamuha syang iba? imbes na malungkot sya pag may nang asar or tumingin, mas maging proud pa sya sa sarili nya at kaawaan nya pa yun, kasi marami syang kayang gawin, na tamad gawin ng mga may kumpletong kamay at daliri . Cheer up mommy ❤️

Magbasa pa

Hi mommy ung baby ko din may congenital abnormality, sa kanyang genitals naman ang problema. Baby boy siya hindi normal ung itsura ng genitals nya kumpara sa mga normal na bata. Worried kami at first dahil baka magkaproblema sya sa kanyang paglaki dahil sa itsura ng ari nya plus the fact na baka mahirapan syang umihi. Thanks God at normal naman ang pag-ihi nya. Nakipagusap ba kayo sa pedia about sa condition ng baby mo? Samin kasi nalaman namin na pwedeng maayos ung problema thru series of operation kaya nagkaroon kami ng pag-asa na magiging normal ang genitals ng baby namin. Praying for you and your baby. 🙏🙏🙏

Magbasa pa
5y ago

Hindi po nakita sa CAS.. kaya po sobrang nagulat at nag-alala kami nung nakita namin ung genitals ni baby. 😢

Sis kahit ano pa man tanggapin mo po c baby.. habang lumalaki c baby kahit na may ganyan syang kalagayan ok lang yan palagi mo lang po iparamdam na walang problema sknya kase higit kanino man pagmamahal at pang unawa nyo ang mas kelangan nya.. mahalin mo sya ng higit pa sa sarili mo sis magpray ka palagi at magpakatatag.isipin mo mas may malala pa ngang prob ung ibang tao kesa sayo.. normal pdin baby mo wag ka mag alala kahit nu pa man. paramdam mo lagi ke baby pagmamahal mo sis God Bless po sainyo

Magbasa pa

hi mommy. baby ko po ambigous genetalia. rare condition na di masabi kung girl or boy. nag undergo na sya ultrasound at karyotyping waiting pa po sa result. nong una mamatay matay ako kakaiyak nung nakita sya sa ultrasound nung 7 months di ko inaasahan kasi lahat naman normal. kaya siguro napaaga pag labas nya kasi na stress ako. puro prayers lang ginawa ko. lahat ng bata kanya kanyang katangian may maganda reason bakit satin nangyari to. godbless sainyo ni baby mommy. 😊

Magbasa pa

Momy para sa katulad kong 2x na nawalan ng anak ang tanging iniisip at pinag darasal ko tuwing prenatal at chck up ko sa ob eh marinig na may heartbeat pa rin si baby.,malaman ko lng na buhay pa sya sa loob panatag na kalooban ko.,alam kong nag aalala ka sa kanya momy pro pag naramdaman nyang hindi naman sya kakaiba sa paningin mo magiging ok lng sya momy.,dasal ka lng at tanggapin ng buong buo si baby😊 Swerte kapa rin dahil buhay pa ang anak mo.,sakin 2yrs ng wala

Magbasa pa

Mommy alam ko mhrap tanggapin pero ang pagtanggap dpat unang una mang galing sau kasi ikaw ang nanay nya. When u accept your baby, balewala na ang lahat ng sasabihin ng mundo. Bsta mahalin mo sya at palakihin ng maayos. It doesnt matter kahit hndi normal ang kamay nya. Ang mhalaga buhay sya at kasama mo sya, madaming parents jan nawawalan ng anak everyday. Mas masakit nman po yon db? Be strong mommy! Stay positive lng at deadma nlng sa mga judgemental! 💪😊

Magbasa pa
5y ago

tama poh. wag iisipin ssabihin ng ibang tao.. basta ibuhos at iparamdam mo ang pag mamahal mo kay baby.. sken po ganyan din. sa una lang po tlga khit aq halos 1week aq umiiyak. nka move on n aq.. nag papasalamat araw araw kay god binigyan aq ng little angel na baby girl. super bless po samin c baby.. 😊😊😊

VIP Member

Cheer up mommy! Isipin mo nalang mas swerte ka padin kasi binigyan ka ng baby. Yung iba, pinangarap na magkaroon ng baby pero di nabiyayaan. Kagaya mo rin ako minsan nanlulumo at nanghihina dahil first time mom din, baby ko may eczema at iniisip ko na baka hindi nya makain or ma enjoy ang childhood nya dahil sa skin condition nya. Pero sa kabila ng panghihinang yun sobrang tuwa at kagalakan ang hatid ni baby sa amin. 😘😍

Magbasa pa

Don't mind them kung tutuksuhin or ibully nila yung kid mo, huwag ka pa apekto kayo, prove them na kahit na hindi normal yung baby mo physically, hindi naman kawalaan yun bilang maging isang mabuting tao kayo, hayaan nyo sila. Pakatatag ka lang. Kuha ka ng lakas ng loob sa anak mo. Pakitaan mo ng maganda yung mga taong mang aapi sainyo. Remember kung sino yung inaapi yun ang pinag papala, and yung Buhay yung baby mo is a blessing.

Magbasa pa