ABNORMALITIES

Hello mga mamsh. Gusto ko lang makarinig at makabasa ng positive. Kasi palagi ako napapaisip dahil sa baby ko. Iniisip ko ang paglaki nya na tutuksuhin sya paglaki at masakit para sakin yun bilang ina. Gabi gabi ako nagdadasal, tinititigan at umiiyak. First baby ko po may congenital hand abnormality. Sino po dito ang kagaya ko or may ibang abnormality sa baby nila? Sorry po sa tanong ko pero gusto ko lang maramdaman na di ako nag iisa, magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Dahil first time mom ako tapos ganito at kung paano haharapin sa buhay ang bawat hamon samin at sa anak ko pagdating ng araw.

ABNORMALITIES
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Will be praying for your baby po . Lagi mo sakanya ipapafeel yung love mo, wag mo isipin na iba sya, or kawawa sya . Dapat magsimula sayo yun, yung pagtanggap sa kamay nya na ganyan . Maging open kayo about it paglaki nya, turuan nyo parin sya kung pano magagawan ng way para magawa nya parin mga bagay na nagagawa ng may kamay at kumpletog daliri :) para paglabas nya or may makasalamuha syang iba? imbes na malungkot sya pag may nang asar or tumingin, mas maging proud pa sya sa sarili nya at kaawaan nya pa yun, kasi marami syang kayang gawin, na tamad gawin ng mga may kumpletong kamay at daliri . Cheer up mommy ❤️

Magbasa pa