ABNORMALITIES

Hello mga mamsh. Gusto ko lang makarinig at makabasa ng positive. Kasi palagi ako napapaisip dahil sa baby ko. Iniisip ko ang paglaki nya na tutuksuhin sya paglaki at masakit para sakin yun bilang ina. Gabi gabi ako nagdadasal, tinititigan at umiiyak. First baby ko po may congenital hand abnormality. Sino po dito ang kagaya ko or may ibang abnormality sa baby nila? Sorry po sa tanong ko pero gusto ko lang maramdaman na di ako nag iisa, magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Dahil first time mom ako tapos ganito at kung paano haharapin sa buhay ang bawat hamon samin at sa anak ko pagdating ng araw.

ABNORMALITIES
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy always be positive po lalo na kay baby make her feel loved and cared for na hindi niya mararamdaman na may kulang o mali sa kanya.. Magiging healthy si baby mo mommy at di magiging hadlang ang pagiging different niya... Its not an abnormality... Its a gift of being unique and being differently abled.. Hope nacheer up kita...

Magbasa pa