ABNORMALITIES

Hello mga mamsh. Gusto ko lang makarinig at makabasa ng positive. Kasi palagi ako napapaisip dahil sa baby ko. Iniisip ko ang paglaki nya na tutuksuhin sya paglaki at masakit para sakin yun bilang ina. Gabi gabi ako nagdadasal, tinititigan at umiiyak. First baby ko po may congenital hand abnormality. Sino po dito ang kagaya ko or may ibang abnormality sa baby nila? Sorry po sa tanong ko pero gusto ko lang maramdaman na di ako nag iisa, magkaroon ng lakas at tibay ng loob. Dahil first time mom ako tapos ganito at kung paano haharapin sa buhay ang bawat hamon samin at sa anak ko pagdating ng araw.

ABNORMALITIES
107 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung sakin po mami nakita na may cleft lip. Ganyan din po nasa isip ko noon. Na baka mabully sya. Masakit sa akin na naaawa ako para sa anak ko. Ilang araw ko din iniyakan yan. Pero wala, ito yung binigay ni lord. Ang maganda healthy naman si baby

6y ago

Wow uneducated! Sorry po ha. Nagwoworry lang kasi po kami at yun po kasi sabi sabi. Iba lang po kasi maingat.