Nanghingi ng number ang asawa ko

Mga mamsh gusto ko lang ilabas sama ng loob ko. Kanina lang binuksan ko messenger ng asawa ko may nakita ko kachat siya babae di ko alam kung sino yun magkakilala ata sila. inadd siya nung girl then nagkachat sila, kamustahan, ganern, ang nabasa ko dun diko nagustuhan sabi ng girl wala pa siya asawa, sabi naman ng asawa ko "baka inaantay mo ko, sa ganda mong yan" tapos nabasa ko pa hiningi ng asawa ko number nung girl sabay bura ng asawa ko ang convo nila. bakit kailangan niya hingiin ang number nung girl tapos binura pa niya convo nila. hindi ko na sinabi sa asawa ko na nabasa ko convo nila. hindi ko siya pinapansin, pinaparamdam ko lang na galit ako. ano kaya maganda gawin sa asawa ko! bwisit siya!

77 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Walang respeto sayo si mister mo, uulit ulitin nya yan pag pinalampas mo. Ikaw mag desisyon sis, basta yung ganyan walang respeto, iniiwan na yan. Kawawa ka lang. Ikaw mag su-suffer sa kalandian nya, sorry sis ha. Napagdaanan ko na kasi yan. At ang pagpapatawad sa mga ganyan, is a waste of time. Maniwala ka.

Magbasa pa