Nanghingi ng number ang asawa ko

Mga mamsh gusto ko lang ilabas sama ng loob ko. Kanina lang binuksan ko messenger ng asawa ko may nakita ko kachat siya babae di ko alam kung sino yun magkakilala ata sila. inadd siya nung girl then nagkachat sila, kamustahan, ganern, ang nabasa ko dun diko nagustuhan sabi ng girl wala pa siya asawa, sabi naman ng asawa ko "baka inaantay mo ko, sa ganda mong yan" tapos nabasa ko pa hiningi ng asawa ko number nung girl sabay bura ng asawa ko ang convo nila. bakit kailangan niya hingiin ang number nung girl tapos binura pa niya convo nila. hindi ko na sinabi sa asawa ko na nabasa ko convo nila. hindi ko siya pinapansin, pinaparamdam ko lang na galit ako. ano kaya maganda gawin sa asawa ko! bwisit siya!

77 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Walang kwenta ang pagpaparamdam sa mga lalake kasi walang epek yan sa kanila. Kung gusto mong mawala yan, iconfront mo. Kung kung gusto mong kayahin mo lang, then just forget it.

Komprontahin mo. Kung mahal ka tlaga nian, wala syang gagawin na ikakasakit mo. Be ready na lang sa magiging sagot nia. At importante din ang acceptance.

VIP Member

Kung ako yan momsh kinausap ko ng masinsinan kung anung pipiliin nia. Walang problema khit d nia ko piliin bsta wala na ciang karapatan sa anak ko..

Kung ako.. Papasikatin ko ung babae. Syempre may mga screenshot k dpat.. Prweba.. Wag ka pumayag na gaguhin ka ng asawa mo. Di uso ang martyr ngayon

VIP Member

kausapin mo po momsh ang iyong hubby... di na po dpt tumagal p ung communication nila... mas maganda pong maputol agad ang dpt mputol 😊😊😊

Next time take a screenshot para pag dumating ung confrontation day wala cyang lusot. Tangina kasi ung mga lalaking ganyan eh, di makuntento

Dipo ganun kalalim pagmamahal nya sayo mamsh. Realtalk lang, walang lalaking lalandi kung kuntento at may respeto sya sa partner nya.

Kumprontahin mo na agad momsh bago pa nya ituloy at magkasala pa sya. Atleast meron ka binigay na ultimatum sa kanya at nagwarning ka agad.

5y ago

gusto ko siya mahuli pa. saka ko kokomprontahin magaling din kasi yun tumanggi. πŸ˜₯

Kausapin mo wag kang manahimik lang kung wala lang yun bkt kailangan pa niyang idelte yung conversation at mang hingi ng number.

VIP Member

confront him tapos tsaka mo bigyan ng leksyon para alam nya dahilan bat ka nagkakaganyan. alam nya din yung aayusin nya.