Nanghingi ng number ang asawa ko

Mga mamsh gusto ko lang ilabas sama ng loob ko. Kanina lang binuksan ko messenger ng asawa ko may nakita ko kachat siya babae di ko alam kung sino yun magkakilala ata sila. inadd siya nung girl then nagkachat sila, kamustahan, ganern, ang nabasa ko dun diko nagustuhan sabi ng girl wala pa siya asawa, sabi naman ng asawa ko "baka inaantay mo ko, sa ganda mong yan" tapos nabasa ko pa hiningi ng asawa ko number nung girl sabay bura ng asawa ko ang convo nila. bakit kailangan niya hingiin ang number nung girl tapos binura pa niya convo nila. hindi ko na sinabi sa asawa ko na nabasa ko convo nila. hindi ko siya pinapansin, pinaparamdam ko lang na galit ako. ano kaya maganda gawin sa asawa ko! bwisit siya!

77 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Better pong pagusapan niyo. Para din alam niya yung nararamdman mo momsh. Hopefully maayos at magkausap kayo ng maayos.

dont stay quiet sis. you should talk to your husband about it. para aware sya na hindi ka tanga sa ginagawa nya.

kausapin mo cia moms about jan ang pangit naman na may ganun pa sa relasyun niyo.. its consedered as cheating

Kung ako yan itatanong ko kagad sa kanya at kapag dineny nya, mababato ko sya ng kung anong mahawakan ko.

Ako nga eh di kodn alam ano dapat kong gawin sa asawa ko ng makontento๐Ÿ˜ sarap iuntog ang ulo!! Bwesit!!!

5y ago

Hay nako hindi lang untog inabot sken e sinakal ko!! Kinagat ko boset!! Di parin mawala gigil ko sknya!!!! ๐Ÿ˜๐Ÿ˜’

Sabihin mo lahat nang natuklasan mo sa asawa mo. Nasayo nalang kung ano isasagot nia or gagawin nia.

Sorry sis ha mejo malandi din asawa mo I, ipaalam mo n nabasa mo para tigilan nya mga pagfflirt nya

Kasi di ka po niya mahal. Yun lang yun. If mahal ka niya, kahit maganda pa yan, di niya papatulan

Dapat iniscreenshot mo agad para kung ideny man nya at sabihing paranoid ka at least may ebidensya ka

5y ago

Tpos dalhin sa tolfo ๐Ÿ˜‚ charot just kidding mga momsh ๐Ÿ˜‚

Kausapin mo cya about dun. Mas okay yan kesa magalit ka ng gnyan, para alam nya din