SSS Maternity Notification

Hi mga mamsh. Employed to Voluntary member po ako. Pano po ba steps sa pag submit ng maternity notification thru sss online? Nagpasa na po kasi ako pero ang hiningi lang is ung EDD tsaka ung sa leave credit options. After nung binigyan lang ako ng transaction number. Ask ko lang sana ano pong next step? Kasi dba need ung ultrasound as proof na pregnant talaga? Need ko pa ba pumunta pa sa office nila para ipasa ung ultrasound o okay na ung online application ko na EDD lang ung nilagay? Sana po may makasagot. Thank you so much po 😊

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po kasi sa mismong sss branch sa smin nagpasa. Pinalagay sa sealed envelope ung accomplished maternity notification form kasama ung mga requirements/docs gaya ng ultrasound at copy ng 2 valid id. tapos sa labas ng envelope pinasulat complete name at contact no. Me dropbox sila sa me guard don ilalagay. Sabi tatawagan na lang daw pag binuksan na nila ung envelope. Wala pa naman tawag sa akin. Last wk. ako nagpasa.

Magbasa pa
5y ago

same case din po ako, nagpasa kami sa branch mismo until now wala pa rin kami confirmation narereceive. Matagal ba talaga inaabot nung confirmation bago mareceive