Mga mamsh, di ko alam kung mali ba ko. Kasi may 4yearold son ako, and may 1 month baby boy ako. Di ko alam kung post partum ba ito, kasi super kulit ng panganay ko simula nung lumabas ung baby. Lagi ko napapagalitan dahil too much na ung actions nya na hindi naman nya ginagawa before.
Feeling ko nag hahanap n sya ng attention na dati lahat nasakanya. Napapalo ko minsan at napapagalitan. Nalulungkot aki mga mamsh. Ayoko ng napapagalitan at napapalo sya :(
Palagi ko naman sinasabi na love ko sila parehas and brothers forever ang lagi namin pinapaalala sakanya. Love naman nya un baby boy, malambing sya pero ung actions niya nasobrahan na ata.
Shiela Discipulo