stressed

Hi mommies pavent out naman. Kasi kakapanganak ko lang 7 days ago pero may panganay na ako 2 yrs old. So napapansin ko sakanya tumigas ulo nya (lalaki din kasi) tapos pag papagalitan ko sya lagi syang tumatakbo kay mama o di kaya naman lumalaban. Lagi ko sya sinasabihan na wag na matigas ulo para di napapalo at love ko naman sya kaya sya napapagalitan. Sabi ko sakanya sasabihin nya kung ano gusto nya hindi ung basta basta sya umiiyak. Tapos pag may kailangan akong gamit ni baby inuutusan ko sya para involve pa rin sya kahit may baby na. Ang sakin lang is naiiyak ako kasi napapagalitan ko ung panganay ko and napapalo pa imbis na pagpasensyahan ko nalang. Ppd na ba to? Ang bilis ko magalit.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Normal lang yan momsh. Ako hanggang ngayon umiiyak pa din kahit sobrang small deal lang eh. Tsaka nagseselos lang si baby panganay kaya ganyan. Kahit na sabihin mong naiintindihan mo maiiyak ka talaga. Okay lang yan momsh. Paintindi mo lang sakanya😊

5y ago

Thanks mommy. Kala ko kasi ppd na to. Stressed na rin kasi ako sa kakulitan ng panganay ko hehe

Baka po nagseselos lang po yung panganay kase po 2 years old palang po sya..kelangan nya pa po ng attention pa..ganyan din po kase mga pamangkin ko..

5y ago

Hays thankyou mommy.