Post partum/ Nursing Aversion
Hi mommies. Nag tandem feeding po ako ng 20months old baby boy and 3 weeks newborn. Wala pong plan na iwean si toddler sana. Pero nagkaka aversion po ako sa kanya. Lagi ko syang napapagalitan during breastfeeding session. Before ako manganak less na sya mag nurse sakin pero nung dumating si baby palagi syang dumedede tapos parehas na boobs gusto nya dedede sya. Lagi ko syang napapagalitan pag dumedede. Ayoko sana sya iwean pero nahihirapan na kami parehas. Parang hindi nako nag eenjoy sa breastfeeding namin. Alam ko nag aadjust padin sya dahil may bagong baby tinatry ko syang bigyan ng oras hanggat kaya ko. Sinusubukan ko din na positive approach sa kanya kapag kalmado ako. Pero kanina para mag nap sya habang nagdedede ang kulit nya so nainis nako at iritable so tinalikuran ko kinagat nya ko. (Lagi syang nangangagat lalo sa daddy nya toddler phase so iniintindi ko and saway lang lagi). So ayun nga kinagat nya ko sa inis ko nasampal ko sya bigla nagulat din ako so niyakap ko sya at naiyak ako. Alam ko tayong mga nanay mahirap talaga emotional and mental yung pinagdadaanan pag bagong panganak and hindi valid yun para masaktan ko yung anak ko. Guilty ako na nasaktan ko sya. Sa tingin ko I need help. Lagi kong sinasabi na kung sasaktan ko o papaluin ay dahil gusto ko syang disiplinahin hindi dahil naiinis nako. And i feel bad about it na nasaktan ko sya dahil lang kinagat nya ko. Yes masakit pero siguro kinagat nya ko dahil he needs me. #advicepls #pleasehelp Sa mga mommies na parehas ko ng pinagdadaanan baka po pwede nyo kong enlighten how to do this right. Im trying to be a good mom pero parang kulang.